Akala ko doon lang matatapos ang surprise na hinanda niya para sa akin, pero laking gulat ko ngayong nandito ako sa bahay ng mga Lolo at Lola niya sa Quezon Bukidnon.
"Okay lang ba talaga na sumama ako sayo?"ulit kong tanong sa kanya alam kong medyo rindi na siya dahil ilang beses ko na yan na tanong sa kanya sa araw na ito, pero ito siya nakangiti pa rin na nakatingin sa akin.
"Love, I told you, okay lang, magiging masaya sila na makita ka trust me."Aniya na ikina ngiti ko na lang sa kanya.
30 minutes rin ang byinahe namin mula sa overview papunta dito sa bahay ng Lolo at Lola niya. Pagdating namin sa tapat nila pinarada niya agad ang sasakyan niya sabay baba namin nauna naman siyang pumasok sa loob at nag doorbell sinalubong naman kami ng katulong nila.
"Good morning ma'am, sir kanina pa po naghihintay ang Lolo at Lola niyo.."bati sa amin ng katulong nila.
"Okay thanks Mananang." Sagot niya dito sabay lakad namin papunta kung saan mahigpit naman ang kapit ko sa kamay ni Aries, dahil mas tumindi ang kabang nararamdaman ko ngayong nandito na kami sa loob ng bahay nila, ngayon lang ako kinabahan ng ganito ang makaharap ang pamilya niya ang isa sa kinakatakot ko, lalo na at ang Lolo at Lola niya na lang ang pamilya niya ngayon kasama ng mga pinsan at Tito, Tita niya, mas matindi ang takot ko na baka hindi nila ako matanggap dahil sa kalagayan ko, paano kung pahiwalayin nila kami? Isip isip ko.
"Iniisip mo na ipaglalayo nila tayo tama?"takang tanong niya sabay tingin niya sa akin.
"Paano kun.....
"Hindi mangyayari yang iniisip mo Ayla, trust me, okay."Aniya sabay tango ko sa kanya.
tahimik lang kaming pumasok sa loob ng bahay nila ng nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang Lolo at Lola niya ay laking gulat ko na lang sa mga taong nadatnan namin doon, buong akala ko Lolo at Lola niya lang ang makikita ko ngayon pero base sa nakikita ko ngayon narito rin ang tatlong pinsan niya at ang dalawang Tito at Tita niya, nakaupo at kumakain may reunion ba sila?
"Akala ko Lolo at Lola mo lang?"bulong ko kay Aries dito Sa tabi ko na hanggang ngayon hawak hawak pa rin ang kamay ko.
"Hindi ko rin alam."sagot niya na lang sa akin.
"Apo, akala ko hindi na kayo darating upo na kayo ng makakain na tayo ng sabay sabay."saad ng lolo niya sabay lapit namin Aries sa harap nila agad niya naman akong inalalayan para makaupo.
"Magandang hapon po sa inyo."bati ko sa kanila sabay Yuko ko sa harap nila.
"So you're the lucky girl, it nice to see you finally iha."saad ng Lola niya na ikinatingin ko dito.
"Aries is right, your so innocent and carefree, and of course beautiful."ani rin ng isang Tita niya.
"Ah, eh, thank you po." sagot ko sa kanya sabay tingin ko kay Aries.
"At hindi lang yon balita ko you're a writer daw iha?"tanong ng Isang Tito niya.
"Hindi naman po katuwaan lang po."sagot ko sa kanya.
"Yeah, but the fact na alam mo ang gusto mo, at masaya ka sa ginagawa mo, that's good job, right dad?"tanong rin ng isang Tito niya sabay tango ng Lolo nila habang nakatingin sa akin ang tatlong pinsan niyang babae habang nakangiti.
"Ikaw ha lil cousin hindi mo naman sinabi na pupunta si future cousin in law ngayon dito."Ani ni ng isang pinsan niya.
"Malamang Charlie, surprise nga e, kung sinabi ni Kuya edi na hindi na surprise yon."sagot naman ng Isang pinsan niya sa babaeng nagsalita kanina na tinawag niyang Charlie.
"What ever Alex."
"Tsk, pasalamat na lang tayo at nakilala na natin yong the one ni Kuya."saad rin ng isang pinsan niya.
"Yeah right, buti pa si Ate Ason e, itong si Ate Charlie parang ewan."sagot ni Alex na ikinataas ng kilay ni Charlie sa kanya.
"Girls, stop that nonsense fighting, may bisita tayo mahiya naman kayo kahit konti."saway sa kanila ng Lola nila na ikinatahimik naman nilang tatlo.
"Iha, pagpasensiyahan mo na ang tatlong yan ganyan lang talaga sila, sige na kumain na kayo ni Aries, iho asikasuhin mo siya."utos naman nito kay Aries na siyang sinunod agad niya.
"Okay lang po kaya ko na po."nahihiya kong sagot sa kanya.
"O, cousin in law hayaan mo na si Kuya duty niya yan bilang boyfriend mo." Saad naman ni Charlie.
"Oo nga naman ate future cousin in law let's eat."Yaya din ni Ason sa akin na ngayon ay natatawa kaya wala akong nagawa kundi umupo katabi nila.
"So iha? How are you?"tanong ng lolo nila.
"Ah, okay lang naman po."sagot ko na lang sabay kain ng konti sa pagkain na nasa harap ko ngayon, gustohin ko man itong kainin lahat hindi ko magawa dahil ramdam ko na may nakatitig sa akin at alam kong lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.
"So how is he? I mean kamusta siya maging boyfriend?"tanong niya ulit. Sasagot na sana ako sa tanong niya ng biglang mag tanong rin yong isang Tito niya.
"Iha, don't be scared na sabihin sa amin kung sinasaktabnka ng pamangkin kong to ha, kami ang bahala sayo."aniya na ikinabigla ko.
Magsasalita na sana ako na sana siya ng biglang nagsalita ulit siya.
"Kasi dito sa pamilya namin we don't tolerate that thing iha, especially cheating, do just tell us kung sasaktan ka ni Aries okay kasama mo kami."
"Pero knowing that man, he's true to his word, one word man ang batang yan iha, kaya alam kong pag sinabi niya na mahal ka niya e, totoong mahal ka talaga niya."dagdag pa ng Tito niya na ikinangiti ko.
"So yun nga iha, kumusta naman si Aries bilang boyfriend?"tanong ng Tita niya na ikinatingin ko kay Sir.
"Mabait po siya maalaga, at parati niya pong pinapaalala sa akin ang halaga ko hindi po siya nakakalimot iparamdam sa akin na mahalaga ako."sagot ko sa kanila na ikinangiti nilang lahat.
"Whoah! Grabe naman pala yon Kuya to the highest level."asar sa kanya ni Alex na ikinatawa nilang lahat maliban sa amin dalawa ni Aries.
"I didn't expect that Aries, but I'm glad to here that from your girl, ipagpatuloy mo yan apo, I'm proud of you."saad ng lolo niya sabay tango ni Aries.
"Don't worry guys, wala na akong plano maghanap pa ng iba, this girl besides me is my all, my everything at huli na para umatras ako Lo, dahil sa simula pa lang hulog na hulog na ako."aniya na ikinatingin ko sa kanya na ngayon ay nakangiting nakatingin rin sa akin.
Aries! Anong ginagawa mo?!
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...