Trigger Warning: Suicidal Attempt
Imbis sagutin ko ang cellphone kong kanina pa ring ng ring ay pinatay ko na lang ito pagdating na pagdating ko sa bahay at tulad ng inaasahan ko wala pa si Mama dito kaya tahimik na lang akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga gustuhin ko man sabihin kay Flor ang tungkol sa narinig at nakita ko sa office ni Sir kanina ay wala akong lakas para gawain yon, dahil alam ko oras na gawain ko yon ay susugudin niya sila Sir at Ma'am Maica na walang kamalay malay na nandoon ako nakamasid sa kanina habang nag uusap at nagyayakapan.
Alam ko rin na si Sir Aries ang kanina pa tawag ng tawag sa cellphone ko malamang nagtataka pa rin siya kung bakit wala pa ako hanggang ngayon sa opisina niya, pero anong magagawa kundi ko siya kayang harapin ngayon? Anong magagawa ko kung natatakot at nahihirapan akong makita siya ngayon?
Akmang matutulog na sana ako upang makalimutan ko kahit papaano ang nangyari sa araw na 'to ng biglang may narinig akong kumatok sa pintuan namin sa labas agad agad naman akong bumaba para buksan yon sa pag aakalang si Mama ang nandoon.
"Good evening, Can I ask if dito ba nakatira si Ayla Lucia Del Rios?"tanong ng isang lalake na mukhang mayaman na ngayon ay nasa harap ko kaya agad agad akong tumango sa kanya.
"A-ako nga po? Bakit po?"tamang tanong ko sa kanya.
"Iha, kanina ka pa namin tinatawagan."
"Ah, sorry po nakapatay po kasi yong phone ko."sagot ko sa kanya sabay tango niya.
"Bakit nga po pala?"
"Ah tungkol sana sa mama mo."
"Sa mama ko? Bakit po? Anong nangyari kay Mama?"tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso na ikinakaba ko ng husto.
Nasa, nasa hospital ang mama mo iha, kaya ako pumunta dito dahil sabi ng boss ko, kilala niya ang mama mo at siya rin ang nagpapasundo sayo."Aniya na ikinatigil ko.
"Hospital? Si mama? Bakit? Anong nangyari sa Mama ko?"sunod sunod kong tanong sa kanya na ikinatahimik niya.
"Wala ako sa posisyon para sabihin yan iha, naiitindihan kong nag aalala ka sa kanya pero wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang kalagayan niya, ang utos lang sa akin ay dalhin ka sa kanya."sagot niya sabay tango ko hindi ko na inisip kung totoo ba o hindi ang sinabi niya at kung sino ang boss na tinutukoy niya dahil sa lahat ng sinabi niya kanina isa lang ang naintindihan ko, at yon ay ang kailangan ako ng Nanay ko ngayon.
Kalahating oras rin ang byahe namin patungo sa hospital kung saan dinala si Mama kaya pagdating na pagdating namin doon ay agad agad akong bumaba at nagmamadali na pumasok sa loob para puntahan siya ni hindi ko na inisip ang katawan ko o kung anong iisipin ng mga taong nakakakita sa akin ngayon ang mas importante sa akin ay ang makita si Mama at kahit mahirapan ako ay wala na kong pakialam.
Sino ang pamilya ni Mrs. Del Rios?"tanong ng Isang Doctor pagdating ko sa kwarto ni mama kaya agad agad akong tumayo kahit mahirap para sa akin.
"Ako po."sagot ko sa Doctor.
"Iha, ito ang mga kailangan na gamot ng mama mo."Aniya sabay abot sa akin ng Isang reseta kaya agad ko itong tinanggap.
"Para saan po ba 'to? Si mama Po kumusta?"tanong ko sa kanya.
"Iha, I know it's hard for you to accept pero comatose pa rin ang mama mo hanggang ngayon mukhang wala kang alam sa kalagayan ng mama mo, pero naiitindihan ko kung tinago niya nga sayo."sagot niya na ikinatigil ko.
"Tina-tinago? Bakit? Ano pong sakit niya?"sunod sunod na tanong ko sa doctor na ikinatahimik niya kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata na kanina pa pagod na pagod na lumuha.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
