Kabanata 2

2.7K 55 3
                                    

Be strong.

Yan ang parati kong sinasabi sa sarili ko, be strong kahit pagod kana, be strong kahit hirap kana, dahil wala kang ibang aasahan in the end kundi ang sarili mo.

You never know how strong you are, hanggang wala ka ng ibang choice kundi maging matapang.

Sa panahon ngayon hindi ka pwedeng maging mahina, dahil ang mahina talo, siya ang kawawa.

"Nak, nandiyan ka na pala."tawag ni Mama sa akin.

Agad naman akong ngumiti sa kanya habang busy siya sa paghahanda ng makakain namin.

"Ma, good morning po, aalis na po ako ha."paalam ko sa kanya ng bigla niya akong tawagin pabalik kaya agad ko siyang nilingon.

"Dalhin mo na 'to, aalis ka na naman ng hindi kumakain."aniya sa akin sabay abot niya ng baunan sa akin na hawak niya.

"Nah, wag na po ma, may pera pa naman po ako, ako ng bahala sa pagkain ko sa inyo na lang yan dito."

"Pero baka hindi na yan kaya, may mga projects ka pang bibilhin diba?"tanong niya sabay tango ko.

"Meron pa po Ma, pero okay lang po talaga, kaya pa 'to, wag na po kayong mag aalala."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya. "Isa pa Ma, ayaw ko na po dagdagan ang iniisip ninyo ni papa."dagdag ko pa.

"Anak naman."

"Okay.......

"Pag sinabing okay lang, okay lang hayaan mo na nga yang anak mo, Lemi, kaya hindi nagtatanda binebebe mo tss."

"Robert please naman."

"Please what? Tss. Bahala nga kayo sa buhay niyo, magsama kayong mag Ina parehas sakit sa ulo."sagot na lang ni papa sabay walk out niya kaya agad bumaling ulit ang tingin sa akin ni mama na tila naawa sa akin.

"Anak, pasensiyahan mo na ang papa mo, marami lang problema sa trabaho."tanggol niya dito sabay ngiti ko.

Sanay na ako, sanay na sanay na.

"Naintindihan ko po mama, wag na kayong mag aalala, sige na po baka ma late na po ako."sagot ko na lang sa kanya dahil ayaw ko ng pag usapan pa namin si papa.

"Oo sige na, pero tanggapin mo na itong baon, anak ha, para sayo talaga yan."Aniya kaya no choice ako kundi tanggapin ito dahil ayaw ko naman siyang mag tampo sa akin, siya na lang ang meron ako kaya kailangan ko siyang ingatan.

"Pasalamat ka Ma, hindi kita matiis."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Dapat lang, ako mama mo e. Pero anak hindi mo kailangan tiisin kung anong pinagdaanan mo, nandito kami, tutulungan ka."pag papaala niya sabay tango.

"Alam ko po, mahal ko po kayo."

"Mahal rin kita anak, mahal na mahal."

Pagkatapos namin mag usap ni Mama agad akong lumabas ng bahay para dito tingnan kung sapat pa ba pamasahe ang pera ko papuntang school. Akmang kukunin ko na ang wallet ko sa bag ko ng biglang may bumusina sa akin na sasakyan napatingin naman ako kung sino yon pero dahil sa hindi ko makita ang loob ng sasakyan ay kinabahan ako bigla kaya imbis na huminto ay mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

"Ayla." Shit Kilala Ako???

"Ayla."tawag ulit ng driver sa akin sa pangalawa pagkakataon pero hindi ko siya pinansin at binilisan pa rin ang paglalakad hanggang sa huminto na yong sasakyan sa harap ko. At laking gulat ko sa driver na lumabas sa loob ng sasakyan.

"Sir."

"Ayla, bakit ba nagmamadali ka?."

"Ay, sir Ikaw pala sorry po, hindi ko po kilala."naka yuko kong sagot sa kanya.

"Seriously? Kanina pa kita tinatawag, hindi mo pa rin ako nakilala?"hindi niya makapaniwalang tanong sa akin sabay tango ko ng dahan dahan, kasalanan ko bang hindi ko pinag iintindi ang mga tao sa paligid ko maliban kay Flor at kay ano dati.

"I'm disappointed."sambit niya na ikinagulat ko.

"Sir?"

"Little bit, I mean ako kasi tandang tanda at kilalang kilala ko ang boses at galaw mo, pero ako? boses man lang hindi mo kilala?

"I'm really sorry Sir, hindi naman po sa hindi kilala, pero kasi natakot lang po ako at isa pa po may iniisip rin po ako sorry po talaga."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya sa akin sabay hawak niya sa buhok ko at gulo nito na siyang ikinatigil ko.

"Silly, cutie, don't worry apology accepted, but in one condition."Aniya.

"Condition po?"

"Yes, tatanggapin ko ang sorry mo sa isang kondisyon."sagot niya.

"Ano pong kondisyon?"tanong ko sa kanya.

"Sumabay ka sa akin papuntang university, accept it or not?"

"Pero sir, baka po anong sabihin ng mga tao sayo."sagot ko sa kanya.

"So what? Let them think what they want to think, I don't care, tsaka wala na man tayong ginagawang illegal, para mag isip sila, so again Ayla, isang tanong, isang sagot sasabay ka sa akin o hindi?"

"Pero Sir....

"Okay, hindi ko tatanggapin ang sorry mo you choose."aniya sabay walk out sana ng pigilan ko siya gamit ang pulso niya na ikinatingin niya ulit sa akin sabay ngiti niya ulit na ikinagulat ko. The second time na ngumiti siya sa akin. Na ngumiti ang Isang Aries Cena sa akin. Kalma heart, kalma, prof mo yan. Wag malandi!

"Yes Ayla?"

"Okay, okay, na po Sir, tara na po. Basta po tanggapin niyo ang sorry ko."Ani ko sa kanya sabay tango niya.

"I'm a man with a one word Ayla, don't worry."sagot niya sa akin sabay alalay niya sa akin papasok ng kotse niya.

"So can you share to me, anong iniisip mo, at parang lutang ka? Isa pa nagpaplano ka ba mag lakad kanina ng nakita kita?"tanong niya sa akin pagpasok niya sa kotse.

"Ah, eh."

"It's okay, kung ayaw mong sagutin I just want to remind you na hindi masamang mag try na maniwala at mag tiwala sa iba, hindi lahat sasaktan ka Ayla.

"Sir."

"Mayroon diyan, handang alagaan, protektahan, mahalin ka Ayla, hayaan mo lang silang pumasok sa buhay mo." He said while looking at me na ikinatingin ko sa kanya na siyang nakatingin rin sa akin ngayon.

What the heck Sir Aries! Anong ginagawa mo sa puso ko?

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon