Nagising ako ng nasa kwarto na ako, una ko agad nakita ang mga nila Kuya na nag aalala lalo na si Mama na nasa tabi ko ngayon.
"Salamat sa Diyos gising kana anak, anong kailangan mo? Nauuhaw ka ba? Ayla? Tell me."saad ni Mama na ikinangiti ko sabay iling.
"Wag na po, ayos lang ako."
"Per....
"What happened Ayla? Bakit inaapoy ka ng lagnat kanina? We ask Manong sabi niya nag paiwan ka doon, don't tell me naulanan ka?"takang tanong ni Kuya na ikinatingin ko sa kanya sabay tingin sa akin ni Dad.
"Okay lang Kuya, wala naman masamang nangyari e."sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
"You didn't answer my question young lady, I am asking you what happened?"madiin na tanong niya sabay hawak ni Dad sa balikat niya.
"Vien, your sister need to rest stop asking her questions like that.
"Don't tell me, yong ex mo na hayop yong dahilan Ayla? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo pero hindi ka namin makita, halos libutin na namin yong Bukidnon pero walang Ayla, so I am asking you what happened?
Galit at inis yan yong naramdaman ko kay Kuya at Dad ng sabado lalo na at nalaman nila sa akin ang dahilan ko, kung bakit natagalan ako makabalik, gusto nga sana sugudin ni Kuya si Aries mabuti na lang at napigilan ko siya, ayaw ko na mas lalong lumala ang gulo, gusto ko muna siyang iwasan hanggang kaya ko lalayo muna ako sa kanya.
"Girlll, mamaya pa daw yong graduation practice natin."salubong sa akin ni Flor pagdating na pagdating ko sa campus kaya taka akong tumingin sa kanya.
"Ha? Bakit? Anong meron?"
"Aba! Ayon! I cecelebrate daw yong birthday ng ex mong kutong lupa."mataray na sagot niya sabay palo ko ng kamay niya.
"Shh, may makarinig sayo, ano pa isipin nila."
"Bakit ba?! Totoo naman kutong lupa yang ex mo na yan, lalo na yong ginawa niya sayo noong Sabado, jusko girl sinasabi ko sayo dapat hinayaan mo yong Kuya mo na suntukin yon."aniya na ikinangiti ko na lang.
"Hayaan mo na, tapos na naman, ang problema ko lang ngayon paano ko papipirmahan sa kanya tong clearance ko?"
Akmang sasagot na sana siya sa akin ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko muna itong sinagot.
"Hello Good morning, may I ask, if this is Ms. LuckyAvigail? From Wattpad?"tanong ng kabilang linya sa akin.
"Yes po, why?"
"This is from Diamond Publishing house, itatanong lang sana namin kung handa ka na bang mag pakilala sa lahat ng readers mo? Nauna na namin ipadala ang contract sayo last week right? Para sa pag published ng work mo under sa company namin and you said yes, ngayon gusto namin mag held ng exclusive book signing for you, kasabay ng release namin sa book mo, dahil sold out agad ang 2000 copies na pina print namin."Aniya na ikinatigil ko.
"T-talaga po?"
"Yes, iha, we want to congratulate you, for your success, kaya sana pagbigyan mo kami."sagot niya na ikinangiti ko.
"Sige po, handa na po ako sabihin niyo lang po kung ano yong mga detalye."saad ko sa kanya sabay tingin ni Flor sa akin.
"Ano yon?"tanong niya agad pag off na pag off ko ng tawag.
"Secret muna, basta sasabihin ko na lang pag ready na lahat."sagot ko sa kanya na ikinatingin niya ng seryoso sa akin.
"Hoy, Ayla siguraduhin mo lang na hindi na yan lalake ha, kahit maging matandang babae na lang tayo, sasamahan kita, forever wag ka lang ulit masaktan ng mga hayop na lalake na yan."Aniya na ikinangiti ko.
"E, ganoon mo ko ka love? Sasama mo ko maging matandang dalaga?"takang tanong ko sa kanya sabay ngiti niya.
"Siyempre, ano pa at naging kaibigan mo ko, kaya siguraduhin mo na hindi na ulit yan lalake ha."
"Don't worry, wala ng lalake, babae na."saad ko sa kanya sabay palo niya sa balikat ko.
"Gaga! Tara na nga."
"Saan na naman tayo?"
"May meeting daw ang whole 4th year."sagot niya sabay lakad niya sana ng bigla niyang napansin na hindi ako sumunod sa kanya.
"Hoy, Ayla tara na baka ma late pa tayo."
"Baka...
"Baka ano? Nandoon yong kutong lupa?" Tanong niya sabay tawa niya sa harap ko ng tumaas ang kilay ko bigla.
"Joke lang, pero mas maganda nga kung nandoon siya para mag papirma tayo ng clearance, at wag ka na mag worry ako ng bahala sa clearance mo, sa ayaw at gusto niya dadalhin ko rin yong sayo." Aniya sabay punta na namin sa auditorium kung saan gaganapin ang meeting.
"Ayla, doon daw tayo."salubong sa amin ni Sascha sabay turo niya kung saan naka upo ang mga classmates namin.
"Hindi ba pwedeng dito na lang kami?"tanong ko sa kanya.
"Utos ni Sir Aries."sagot niya na ikinatango ko na lang sabay upo sa pwesto na tinuro niya.
"Bwisit talaga yang ex mo e, kutong lupa talaga, akin na nga yang clearance mo, ng masapak ko na!"saad ni Flor sabay kuha niya agad sa clearance ko.
"Saan ka na naman?"takang tanong ko sa kanya ng biglang tumayo siya.
"Mag papapirma tutal, Filipino time naman, gusto ko rin sapakin yang ex mo wait lang."Aniya sabay lakad niya papunta kay Sir Aries.
Pagdating ni Flor sa kanya ay agad napatingin si Aries sa akin kaya umiwas ako agad ng tingin sa kanila, habang mas maaga pa kailangan ako na ang umiwas, habang maaga pa ako na ang lumayo. Saktong pagpasok ng dean ay ang pagbalik rin ni Flor galing kay Sir na dala dala ang clearance ko na ngayon ay may pirma na.
"Pinirmahan niya na?"takang tanong ko sa kanya.
"Siyempre, nasa harap niya si principal, alangan naman hindi niya pirmahan edi pahiya siya non."sagot niya na ikinangiti ko na lang sabay tingin ko sa harap kung saan nagsasalita na si Dean.
"Bilang tradisyon ng Paaralan na ito, gusto ko lang ipaalam sa lahat na you will having your 4th year field trip at doon sa field trip ay magkakaroon kayo ng isang masquerade ball."announce niya sabay palakpakan ng mga tao dito sa loob.
"Yeyyyy! Ito na field trip is real omg kayo, totoo na this."kilig na saad ni Flor dito sa tabi ko habang kinikilig rin ang iba kong kaklase na nasa harap ko.
"Whoah! Sana yayain ako ni Sir Aries sa masquerade ball."kinikilig na sabi ni Sascha na ikinatingin ko sa kanya sabay iwas ko rin ng nagsalita ulit si Dean.
"Today is now June 8, at ang alis niyo ay sa June 14, may sapat pa kayo na oras para maghanda so enjoy everyone and congratulations in advance to all."Aniya sabay palakpakan ulit ng mga tao.
Natapos ang meeting ng kinantahan ng buong 4th yr si Sir Aries dahil nga sa birthday nito habang kami ni Flor ay nakatingin lang sa kanya kung saan hawak hawak ang cake na bigay ng campus sa kanya akmang lalabas na sana kami ni Flor ng Audi ng biglang may humawak sa kamay ko mula sa likod na ikinatingin ko doon.
"Mab."
"Ay, kain tayo tara."aniya na ikinatingin ni Flor sa kanya.
"Libre?"tanong nito na ikinangisi ni Maby.
"Ano pa nga ba? Tara."Yaya niya sabay alis sana na namin ng biglang may nalaglag mula sa harap na ikinatingin namin tatlo doon at do'n lang namin nakita na nahulog yong cake na hawak ni Sir Aries sa kamay niya, pero tila wala siyang pakialam dahil ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa amin tatlo nila Maby o sa akin, pero bakit na naman? Ano na naman?
Aries.
Kawawang Professor, hulog ang cake why naman kasi kart saan nakatingin e. Yan tuloy hahahahah. Good morning everyone happy reading.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
