"And now it's time for our top 3 sino ang dadalhin natin sa National Poem Writing Contest? Kaninong mga pangalan ang mangingibabaw?!" Tanong ng MC sa mga Audience na dahilan ng sigawan nila.
"Okay this is it, wag na natin patagalin, alam kong excited na kayong lahat dahil excited na excited na rin ako sino nga ba? Sino? Makakahinga ka na ng maluwag sapagkat makakapaghanda kana para sa nalalapit mong laban Gina Fuentes congratulations."announce ng MC na ikinatingin ko kay Gina na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin rin sa akin agad naman siyang pinalakpakan ng mga audience na ikinangiti ko na lang.
"Thank you."
"Your welcome lady, deserve, ngayon naman babanggitin na natin ang Isa sa makakasama niyang dalhin ang pangalan ng school natin sa National Poem Writing Contest Nathalie Emmanuel Hudson congratulations."
Sabay sa pag tawag ng MC sa ikalawang nanalo ay ang pagkabog ng dibdib ko ng sobrang bilis ramdam na ramdam ko ang kaba mula dito, paano kung hindi ako tawagin? Paano kung matalo ako?
"And now for the last one, sino ang pangalan na bubuo sa magdadala ng pangalan ng Elton sa National? Are you guys ready?"tanong ng MC sa mga audience sabay palakpakan naman nila hudyat na handa na rin silang makilala kung sino ang bubuo kanya kanyang cheer na ang mga students sa pambato nila at ng sumilip ako sa pwesto ng mga classmates ko ay tulad rin ng iba ay masaya nilang sinisigaw ang pangalan ko.
"Hindi ko na papatagalin pa let's all congratulate her, Ayla Lucia Del Rios."tawag ng MC sa pangalan ko na ikinatigil ko halatang gulat na gulat si Gina pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko na yon pinansin dahil sa ingay ng palakpakan na naririnig ko ngayon dito sa loob.
"Ngayong buo na ang ating tatlong participants gusto ko lang sabihin sa inyo na sa pag dala niyo ng pangalan ng school natin sa isang makasaysayan na patimpalak wag niyong kalimutan mag enjoy, dahil ngayon pa lang nais namin iparating sa inyong tatlo na proud na proud ming tanan ninyo.(proud na proud kami sa inyong lahat.)
Pagkatapos na pagkatapos tawagin ang pangalan ko at ng goodluck message ng MC sa aming tatlo ay ang paglapit ng mga kaklase namin sa amin lahat na siyang ikinangiti ko.
"Bessieeee congratulations sabi ko na sayo e, kayang kaya mo."salubong sa akin ni Flor ng nakangiti katulad niya nag congrats rin ang Ibang kaklase ko na siyang ikinatuwa ko dahil kitang kita ko sa mga mata nila ang tuwa na siyang hindi ko inaasahan makita sa kanila, sabay rin sa paglapit ng mga kaklase ko sa akin ang paglapit sa akin ni Sir Aries kasama ni Ma'am Maica na dahilan ng tilian ng mga kaklase ko maliban kay Flor na nakataas ang kilay dito sa tabi ko.
"Ayieeee Ma'am and Sir magkasama."asar ni Sacha sa dalawang kararating lang na ikinayuko ko na lang.
"Of course I'm so proud of you Ayla, alam kong kaya mo, plus points na lang yong mayroon kang poging coach."saad ni Ma'am Maica na ikinatingin ko sa kanya.
"Thank you po."
"Congratulations Ayla, I'm really proud of you."bati rin sa akin ni Aries na ikinangiti ko rin sa kanya.
"Thank you Sir, salamat rin po sa pag coach."sagot ko sa kanya.
"Wala akong ginawa kundi ibigay ang advice na kailangan mong marinig ikaw ang sumulat, ikaw lahat, kaya wala kang dapat ipasalamat sa akin."Aniya na ikinatingin ko sa kanya.
"Anyways let's celebrate."Aniya na ikinatigil ko at ikinatuwa naman ng mga kaklase ko.
"Yesyesyes libre mo sir?"tanong ni Flor sa kanya kaya agad ko naman siyang siniko dahil sa tanong niyang yon.
"Of course Flor, all for Ayla, so let's go."Yaya niya sabay sunod ng mga kaklase ko sa kanya nauna pang nag lakad ang mga ito papunta sa labas kasama si Ma'am Maica habang ako naiwan kasama ni Aries dito.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
