Kabanata 17

1.1K 27 11
                                    


"Okay class, tomorrow we will have our first long quiz, I hope that you really understand our lesson for today and stay safe everyone."anunsyo ni Sir Aries sa amin pagkatapos ng class namin tumingin muna siya sa akin bago tuluyan lumabas ng classroom namin kaya agad naman akong pinalo sa balikat ni Flor na ikinadaing ko yong tungkol naman sa lesson niya, ang masasabi ko lang ay wala akong naintindihan, kahit isa, gulong gulo ang isip ko lalo na at hindi mawala sa isip ko ang narinig kong bulong bulongan sa labas na bumalik na daw ang first love ni Sir, pero sino? At bakit wala siyang nasabi sa akin?

"Best, kumusta naintindihan mo yong lesson kanina ano ba yong lesson ng lover mo nakakabadtrip hindi ko gets.?"!"Ani sa akin ni Flor.

Mamaya pang 9:30 ang sunod na subject namin at 8:30 pa lang kaya makakapagbasa basa pa sana ako ng biglang narinig ko ulit ang usapan nila.

"Alam niyo ba magtuturo daw yong ex ni Sir dito, omg baka magkabalikan Sila."ani ni Sascha

"Nakita ko na last time yong ex ni Sir mukha naman maganda."ani rin ni Amelia. kaya agad akong napatingin doon na mukhang napansin naman ni Flor dahil tinapik niya ako kaya napatingin Naman ako sa kanya.

"Iniisip mo ba yong usapan nila?"takang tanong niya na nagpatahimik sa akin.

"Wag mo ng isipin yon ang mahalaga Ikaw ang present, past na lang kung sino yon na punso pilato."Aniya na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"Gaga hindi ah, tsaka about sa lesson kung nahirapan ka, wag kang mag aalala, hindi ka nag iisa, nahihirapan rin akong intindihin ang tinuro niya kanina."sagot ko sa kanya.

"Wahahahaha sige Sabi mo e basta wag mo na isipin yong ex okay, isipin mo kung paano na 'to??? Yong long quiz best, pa naman yon ackkk, Philosophy sobrang pangit ka bonding kung Hindi lang lover ng best ko yong prof e drop ka sa akin.Aniya.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin buong hapon ay nagpagdesisyonan kong umuwi na ng maaga, ihahatid pa sana ako ni Aries pero sabi ko, na ako na lang dahil may meeting pa sila, at ayaw na ayaw kong makaabala sa trabaho niya. Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Mama na naglalaba kaya agad ko siyang nilapitan.

"Ma."

"O, Lucia nandiyan ka na pala, kumain ka na? Gusto mo ipaghanda kita anak?"tanong niya akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang sumingit si Papa na ikinatingin ko sa kanya.

"Walang bigas, wala kang makakain bumili ka sa tindahan para kahit papaano makatulong ka naman."saad niya.

Tumango ako.

"Sige po."sagot ko sa kanya sabay walk out niya sa harap namin ni Mama.

"Anak pagpasensiyahan mo na si Papa mo ah."

"Sanay na ako Ma."sagot ko sa kanya.

"Per..

"Sige Ma, bibili lang po ako ng bigas."paalam ko sa kanya sabay punta ko na sa tindahan ni hindi ko na siya hinihintay sumagot dahil baka magalit pa si Papa buti na lang may pera pa ako dito na dala.

Akmang bibili na sana ako ng bigas ng biglang isang matandang babae ang nakita ko, ngayon namamalimos sa mga kapitbahay niya, pero imbes tulungan nila ito, ay itinaboy pa nila ito, na siyang dahilan ng pagkatumba nang matanda, kaya kahit nahihirapan akong maglakad ay agad agad akong lumapit sa matanda, at pasalamat na lang ako malaki- laki ang naiwan na allowance ko sapat para sa bigas at sa kanya.

"Ahm, nay ito po, sana po makatulong."Ani ko sa matanda sabay abot sa kanya ng 200 pesos galing sa bulsa ko.

"Salamat ineng ha, naubos na talaga ang kinita ko sa kalakal dahil sa COVID at nilalagnat ngayon ang apo ko, kailangan niya ng gamot salamat talaga sa tulong."aniya sabay ngiti pero Ng akmang paalis na siya ng bigla ko siyang pigilan na ikinatingin niya sa akin.

"Sandali lang po."saad ko sa kanya sabay punta ko sa tindahan at bili ng isang pad ng paracetamol at neozep at solmux bumili rin ako ng tinapay at hinatian ko rin siya ng bigas na binili ko.

"Ineng."

"Sayo na po yan Nay, para sa apo niyo at yan po na pera ibili niyo na lang po ng ulam niyo, mag iingat po kayo delikado na po ang panahon ngayon."saad ko sa kanya sabay ngiti sa kanya akmang lalapitan niya sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad Kong tiningnan kung sino.

"Sige ineng maraming salamat ulit sayo, naway pagpalain ka ng diyos sa kabaitan mo."Aniya na ikinangiti ko. Pagka alis na pagka alis niya ay agad ko ng sinagot Ang tawag ni Aries.

"Sir?"

"Love? Naka uwi kana? How are you? Gusto mo puntahan kita? Sunod sunod na tanong niya.

"Wag na Sir ayos lang po ako, naka uwi nako."

"Pero okay ka lang ba talaga bakit mukha kang hinihingal? Tanong niya akmang sasagot pa sana ako ng biglang may narinig ako sa kabilang linya na ikinatahimik ko.

"I'm hungry na Aries, let's eat na let's go."boses ng babae na pinagtaka ko.

"Wait lang Maica, may kausap pa ako."sagot ni Aries.

"That person can wait Aries but not me, so common let's go akala ko ba best friend mo ako?"tanong ng babae akmang sasagot pa sana ulit si Aries sa kanya ng unahan ko na siya.

"Sige sir, una na po ako ingat po kayo."

"Lucia?"tawag ulit ni Aries sa akin mula sa kabilang linya.

"Wag po kayong mag aalala ayos lang po ako, sige po enjoy po kayo."ulit ko sa kanya.

"Ay....

Hindi ko na siya pinatapos magsalita agad ko ng binababa ang tawag dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon, nararamdaman na hindi ko maipaliwanag, nararamdaman na ayaw ko.

Sino ba yon? Yon ba yong pinaguusapan nila sa room kanina? Akala ko ba ex? Pero ngayon best friend na naman? Ano ba talaga ha? Ack, Aries ginugulo mo isip ko.....

I don't want to overthink, but what if, hanggang dito lang talaga tayo? What if totoo talaga yong kasabihan na kailanman hindi pwedeng magmahal ang isang Person With Disability na tulad ko, sapagkat masasaktan at iiyak lang siya parati? What if?

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon