Kabanata 29

1.8K 32 5
                                        

Takbo lang ako ng takbo kahit mahirap para sa katulad ko ang tumakbo ng tuwid ay binaliwala ko yon dahil ang alam ko lang ang makaalis sa Lugar na to kahit saglit, takbo lang ako takbo hanggang marating ko ang Isang garden at doon sumigaw ng sumigaw.

"WAAHHHHHHH...... Bakit kailangan maging madaya sa akin ang mundo, pagod na pagod nako.... "sigaw ko habang umiiyak, sana ako na lang kasi sana ako na lang, mga katagang naiisip ko habang naalala ang tagpo na naabutan ko sa office ni Sir.

"Mab?"banggit ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.

"Nakita lang kitang tumatakbo galing sa loob kaya sinundan kita." Sagot niya sabay tango ko sa kanya, sabay lakad ko sana palayo sa kanya ng bigla niya akong pigilan.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang nangyari at kung bakit ka umiiyak, pero gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako para sayo Ayla, nandito lang ako."

"Ayos lang naman ako, salamat Mab, salamat lalo na sa nangyari noong isang araw, kung wala ka malamang wala na rin ako ngayon." sagot ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso at tila sinisugurado kung okay lang ba talaga ako.

"Alam kong nahihirapan ka ngayon alam kong masakit, at mahirap pero Ayla hindi mo kailangan magpanggap na masaya parati, tao ka rin nasasaktan at napapagod, at nandito ako kung kailangan mo ko sigawan paluin, hampasin o suntukin  para malabas mo lahat ng sakit, at bigat na nasa puso mo, ibuhos mo lahat alam ko masakit at kung hindi mo yan ilalabas mas mahirap para sayo. Kaya Sige na. Ilabas mo na." Ani niya sakin na nagpatahimik sa akin para makinig sa sinasabi niya.

"Tingnan mo ang langit, ang ganda diba?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumingin sa taas at tango ko sa kanya.

"See? Sobrang ganda niya, magandang maganda." Aniya na ikinatingin ko sa kanya pero laking gulat ko na hindi siya sa langit nakatingin kundi sa akin na siyang pinagtaka ko.

"Mab?"

"Yan ang gusto ko sabihin sayo always look at the bright side, tingnan mo ang ganda ng mundo, don't let negativity affect you, don't let anyone drag you down, you deserve happiness, you deserve peace kaya sana maisip mo yan, tulad ng sinabi ko sayo kanina, hindi kita pipilitin sabihin sa akin kung anong problema mo lalo na kung tungkol pa rin yan sa nangyari noong isang araw, but I want to say to you malalagpasan mo yan, matapang ka diba? at kung sa tingin mo walang naniniwala sayo, paniwalaan mo ang sarili mo."Ani niya na nagpatulo ulit ng luha ko.

"Hindi ko na alam Mab, pakiramdam ko hindi ako karapatdapat mahalin, pakiramdam ko, nabuhay lang ako para saktan ng mga tao, pakiramdam ko sobrang napaka walang kwenta ko, parati na lang ako sinasaktan ng mga tao sa paligid ko."sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya."

"Ayla, about what happened in the past..

"Nakalimutan ko na yon Mab, maintindihan ko naman kung bakit mo nagawa yon e, wala na yon sa akin, ang hindi ko lang matanggap bakit parating nauulit? Alam mo yon bubuksan ko yong puso ko, tapos sa huli sasaktan rin pala siya ng taong pinagbuksan ko nito."sagot ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Si Sir Aries ba?"takang tanong niya na ikinatahimik ko.

"Hindi na importante yon Mab, importante gising na ako, gising na gising na ako na pinanganak lang ako para umiyak at masaktan, hindi talaga ako karapatdapat mahalin, tama si Papa, walang magmamahal ng totoo sa katulad ko, kulang, disabled, pilay, tama siya, sobrang tama siya na wala akong karapatan maging masaya."sagot ko sa kanya na ikinailing niya.

"Alam mong hindi totoo yan Ayla."

"Unti unti ko ng natatanggap ang kapalaran ko Mab, nakakapagod na rin lumaban ngayong hindi ko na alam kung may pinaglalaban pa ko, unti unti na akong nawawala."sagot ko sa kanya.

"Hanapin mo ang sarili mo Ayla, nandito ako, nandito kami ni Flor para sayo."

"Alam ko naman e, alam na alam ko, pero hindi na kaya ng katawan ko Mab pagod na pagod na ako."

"Maraming naniniwala sayo Ayla, nandito kami, oo nasaktan kita, oo pinaiyak kita, pero pangako ko sayo hinding hindi na yon mauulit ngayon, sasamahan kita sa laban mo."iyak ko sa kanya sabay upo habang umiiyak. Agad niya naman akong hinawakan sa balikat ko gustohin ko man tanggalin ang kamay niya hindi ko magawa dahil sobrang gaan lang ng pakiramdam ng kamay niya ng tumayo na ako  napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin.

" Mag gagabi na rin, ihahatid na kita."yaya niya sa akin.

"Wag na Mab,  baka may gagawain ka pa."

"Wala akong gagawain, tsaka tapos na yong practice namin, kaya may oras na ako Ayla."

"Mab, salamat sa advice."

"Anyting for you Ayla, lagi mo lang sana tandaan na sa bawat laban mo nandito lang kaming mga kaibigan mo para sayo, tawagin mo lang kami hinding hindi ka namin  bibiguin, hinding hindi."Aniya na ikinangiti ko na lang. Akmang aalis na sana kami ni Maby ng biglang isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko na ikinatingin ko doon.

"Ayla."

"Flor."

"Jusko kang babae ka, kanina pa kita hinahanap ni hindi mo pinansin ang tawag ko sayo kanina habang tumatakbo ka alam mo naman delikado para sayo ang mapagod, tsaka isa pa akala ko magkasama na kayo ni Sir? Pumunta ka na sa kanya diba? Anong nangyari? Bakit itong si Maby na naman kasama mo? At bakit ka umiiyak ha? Pinaiyak mo na naman siya bruho ka?!"walang prenong tanong ni Flor sa akin sabay turo niya kay Maby sa huling tanong niya.

"Ayos lang ako, sinamahan lang ako ni Maby dito."sagot ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Alam mong hindi ako naniniwala sayo diba? Kaya sige na sabihin mo na, tsaka tara na nga nag text si Sir Aries nasaan ka na daw? Kanina ka pa daw niya tinatawagan pero hindi ka sumasagot."aniya sabay hawak niya sana sa kamay ko ng nilayo ko ito na siyang pinagtaka niya.

"Ah, eh, u-uuwi na ako Flor, baka hinahanap na ako ni Mama."nauutal kong sabi sa kanya sabay hawak niya sa kamay ko.

"Teka nga babae? May nangyari ba kanina sa office ni Sir ha?"tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Wala, masama lang talaga pakiramdam ko, sige una na ko sa inyo."sagot ko sa kanya sabay lakad ko palayo sa kanilang dalawa ni Maby hindi ko na siya hinihintay sumagot dahil alam kong pipilitin niya lang ako sagutin ang tanong niya tungkol sa nangyari sa loob ng opisina ni Sir na siyang hindi ko kayang sagutin.

Hindi ko kayang sagutin.


Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon