Kabanata 5

1.8K 51 5
                                    

Nervous, that's what I feel right now, being here with Sir Aries in his office is already a torture for me. Aamin ko na crush ko siya, oo crush ko siya pero hanggang doon lang dapat yon, hindi na dapat ako lumampas sa linya ko, dahil alam kong mali, alam kong bawal, at higit sa lahat alam kong imposible, imposibleng masuklian  niya ang nararamdaman kong kahibangan na 'to.

"Sir, yong bag ko po."ani ko sa kanya pagpasok na pagpasok namin sa office niya.

"Yes, makukuha mo yong bag mo, pero in one condition."sagot niya na ikinatigil ko.
"Co-condition Sir?"taka kong tanong sa kanya.

"Yes, condition."

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Pero sir, kayo po ang kumuha ng bag ko, na dapat si Flor ang pinapakuha ko, kaya bakit po may kondisyon kayo?"I asked na halatang may inis sa boses ko.

"Chill Lucia, I'm just joking."aniya na ikinasimangot ko napangiti na man siya sa reaction ko na mas ikina inis ko.

Hindi na lang ako nagsalita dahil pagod na akong magsalita, at ayaw ko rin maging tunog iritado sa harap niya, he really enjoying this, I know because nakikita ko ngayon sa mata niya ang happiness ngayong naiinis ako na siyang hindi ko maintindihan. Kaya imbis sagutin ko siya mas pinili ko na lang manahimik.

"Fine, here."aniya sabay abot ng bag ko na siyang ikinangiti ko agad sa kanya.

"Thank you Sir, una na po ako."paalam ko sa kanya ng bigla niya akong pigilan na siyang ikinatigil ko.

"Until what time ang class niyo ngayon?"he asked.

"Ah, 3-3 pm po."sagot ko sa kanya.

"Good then see you."aniya sabay bitaw ng kamay ko na hawak niya kaya agad agad akong lumabas sa office niya ng hindi siya nililingon dahil sa kaba na nararamdaman ko kanina na hanggang ngayon dala dala ko pa rin.

What's that all about?!

"Hoy, babae, kararating mo lang tulala agad, grabe kana ha, napapadalas na yan ha."salubong agad sa akin ni Flor pagdating na pagdating ko sa room.

"Wa-wala, okay lang ako."nauutal kong sagot sa kanya na pinagtaka niya.

"You sure, yong totoo babae, may ginawa kayo ni Sir sa loob ng office niya ano?! Yong totoo? Meron ano?"tanong niya sabay takip ko ng bibig niya dahil baka marinig siya ng mga marites namin na classmates mahirap na kamag anak pa naman ito nila Senyora at Gaza mga tsismosa, baka ma tsismis pa kami ni Sir at ma issue pa dito sa university dahil sa kadaldalan niya.

"Jusko, shut up Flor, walang nangyari okay, ayusin mo nga yang bunganga mo, paano pa lang pag narinig ka ng mga marites ha? Edi issue."wika ko sa kanya na ikinangisi lang ng bruha.

"E, paano ba naman kasi simula ng bumalik ka galing sa opisina niya ang tahimik mo bigla."

"Matagal na akong tahimik Flor!"

"Oo nga, pero yong tahimik mo ngayon iba, ibang iba. Tapos tulala ka pa, so sa tingin mo anong iisipin ko? So don't me, don't me Babae, tell me the truth liars go to hell you know that."

"O. A mo, sabing wala binigay niya lang ang bag ko pagkatapos umalis na ako yon lang, okay, maniwala ka man sa hindi yon lang yon period."sagot ko sa kanya na ikinatigil niya.

"K, fine sabi mo e."

"Tss."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Flor ay siyang pagdating rin agad ng instructor namin sa educ 7 kaya natahimik na lang kaming dalawa hanggang natapos ang klase namin at nagpagdesisyonan namin na umuwi na, sabay kaming umuwi ni Flor inuna niya akong ihatid sa bahay bago siya tuluyan umuwi sa kanila, at tulad ng palagi kong inaasahan wala na naman sila mama kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko at umupo sa mini study table ko. I'm not in my mood right now, kaya imbis bumaba at magluto ako ng kakainin ko ngayong gabi binuksan ko na lang ang loptop ko at humarap dito sabay bukas ng Wattpad account ko para ipag patuloy ang pagsusulat ko, noong mga nakaraang linggo wala akong gana sa pagsusulat kaya susubukan ko naman ulit ngayon buti na lang nasa mood na akong mag update sa story ko ngayon alam kong marami marami rin ang naghihintay sa update ko dito, kahit hindi pa nila nakikita ang babae sa likod ng author na sumulat nito, sa likod ni LuckyAvigail.

Naalala ko pa noon ng una akong nag simula sa pagsusulat way back 4 years ago, ni hindi umaabot ng 300 reads  ang mga gawa ko, at hanggang 100 lang ang followers ko, akala ko hindi na yon mababago, wala ng mababago, pero after 4years ng pagsusulat ko nagising na lang ako isang araw na unti unti ng dumadami ang reads ko, pati na rin ang followers ko, lalo na ngayon sa story kong ito, nasa chapter 15 pa ako pero 350K reads na siya at sobrang dami na rin ng comments nila tulad na lang ng "ang sakit ate, bakit ganito ate? Naiiyak ako." At kung ano ano pa, ng una hindi ko maintindihan bakit biglang dumami ang reads nito pero hanggang tumatagal ako sa pagbuo ng kwentong ito , at araw-araw ko ni reread ang update ko, ay naintindihan ko na, nasasabi ko na nga. "Oo nga pala, kwento ko pala 'to, kwento pala ito ng isang Disabled na katulad ko." Kaya siguro nag kainterest silang basahin ang The Midnight Damsel dahil tulad ko marami rin ang pagod na pagod ng makita ang liwanag at mag patuloy mabuhay kasama nito, mga katulad ko na pinili na lang manirahan sa dilim kung saan walang taong makakasakit at makakadurog sa kanya.

"Yes! Congratulations self."bati ko sa sarili ko hanggang pinagmamasdan ang followers ko na umabot na ngayon ng 150K hindi ko ito inaahasan, kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga taong ito na binibigyan ako ng inspiration na mag patuloy sa pagsusulat ko. Akmang papatayin ko na ang loptop ko ng biglang may nag pop up na message galing sa Wattpad account ko na ikinatigil ko.

From:Secretfan

You'll be in your happiness era soon I know, keep going my favorite author shine always:*

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon