Hindi ako makakain ng maayos habang kasama ang Lola at Mama ni Maby pati na rin siya dito sa table nila dahil ramdam na ramdam ko na may nakatitig sa akin mula sa hindi kalayuan at kahit hindi ko tingnan kung sino yon alam na alam ko na kung sino ang nakatitig sa akin ngayon.
Aries.
"Iha are you okay? hindi mo ba nagustuhan ang food?"tanong ni Tita Kathy ng napansin niyang tahimik lang ako at parang pinaglalaruan lang ang pagkain.
"Ah, opo Tita, excuse lang po restroom lang ako."paalam ko sa kanila sabay tayo ko sana mula sa upuan ko ng biglang pigilan na naman ako ni Maby na ikinatingin ko sa pwesto ni Aries na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin kaya dahil sa kaba na nararamdaman ko ay agad agad akong tumayo sabay punta ko restroom sapagkat pakiramdam ko malulusaw na ako sa titig ni Aries na parang hindi napapansin ang babaeng kasama niya na masayang kinakakausap siya, ano ba kasing ginagawa niya dito? At bakit ako kinakabahan? Siya itong nag sabi na sabay kami kakain pero sumama siya sa iba, oo ako sumama rin pero napilitan lang, pero bakit ako ang kinakabahan?
Sampung minuto rin ang tinagal ko sa loob ng restroom ng napagpasyahan kong lumabas na pero ng akmang pabalik na ako sa loob restaurant ng biglang may humawak sa kamay ko na ikinatingin ko doon.
"Sir."
"Akala ko hindi mo na ko makilala, dahil kasama mo siya, ano meet the family?"malamig na tanong niya sa akin na ikinayuko ko.
"Hi-hindi naman sa ganoon, niyaya lang ako nila Tita nahihiya lang akong tumanggi."natatakot kong sagot sa kanya.
"Tita?"takang tanong niya, akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang nagsalita siya ulit na ikinatahimik ko.
"I forgot, mag ex nga pala kayo malamang na meet niyo na ang family ng isa't isa right Love?"seryosong tanong niya.
"Sir."
"Don't call me Sir love, baka nakakalimutan mo wala tayo sa campus, hindi mo ko Sir dito remember? Boyfriend mo ko, o baka nakalimutan mo na dahil kasama mo yong lintek na lalakeng yon?"
"Hindi."
"Hindi naman pala, so let's go, I will take you home."Aniya sabay hila niya sana sa akin ng biglang.
"Ayla? Sir Aries? Tawag ni Maby sa amin mula sa likod ni Sir kaya agad kong kinuha ang kamay kong hawak hawak ni Sir sabay tingin ko kay Maby ng medyo kinakabahan.
"Mab."
"Mom is looking at you kaya pinuntahan na kita dito."Aniya sabay tango ko.
"Ah, oo sige pa-pabalik na rin ako doon, may tinanong lang si Sir sa akin regarding sa project ko."sagot ko sa kanya.
"Okay, so let's go."saad niya sabay tango ko ulit sa kanya ng biglang pigilan ulit ako ni Aries na pinagtaka naman ni Maby.
"You can go now Mr. Maby, sasama sa akin si Ms. Del Rios may problema sa kanyang writing contest registration kailangan niya pumunta doon agad."saad niya kay Maby na ikinatingin ni Maby sa akin akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang isang boses ng babae ang pumukaw sa amin sa lahat.
"Aries, bakit naman... Ow, may mga student ka pala dito, hello guys, I'm Maica."bati niya sa amin ni Maby na ikinangiti namin sa kanya agad naman siyang napatingin sa kamay ko na hawak hawak ni Aries kaya agad ko yong kinuha na siyang ikinatingin ni Aries sa akin.
"Maic, you can go home now, if tapos ka ng kumain mag grab ka na lang muna may pupuntahan kami ni Ms. Del Rios tungkol sa registration niya sa writing contest."
"But.."
"No more but Maic, importante ito para sa school I hope you understand, tatawagan na lang kita mamaya."putol niya sa sasabihin nito sabay tingin niya ulit kay Maby.
"You can go back to your family now young man tell them na may gagawain na importante si Ayla."saad niya dito sabay hila niya sa akin ng dahan dahan ni hindi niya na hinintay si Maby sumagot at hindi na rin ako umangal dahil ramdam ko ang init ng ulo niya ngayon sa oras na ito kaya nagpagdesisyonan ko na lang sumama sa kanya ng tahimik.
"Get inside love, careful."Aniya sa akin na siyang sinunod ko naman pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan niya ay agad naman siyang sumunod pumasok sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe hanggang makarating kami sa bahay niya na siyang pinagtaka ko naman.
"Anong....
"Kakain tayo, I'll cook for us, alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina sa restaurant katulad ko."putol niya sa sasabihin ko sabay labas niya sa sasakyan at alalay sa akin para makalabas rin kasunod niya.
"Aries, yong tungkol kanina."
"We will talk about that later sa loob Ayla, but for now let's go inside."Aniya na siyang sinunod ko naman.
Pagpasok namin sa loob ng bahay niya ay agad kaming dumeritso sa kusina niya pina upo niya naman ako sa counter paharap sa kanya habang siya abalang sinisimulan na ang pagluluto niya.
"Alam mong hindi ko na gustuhan ang nakita ko kanina diba?"panimula niyang tanong sa akin.
"Wala lang naman yon I respect them nahihiya lang akong tumanggi."sagot ko sa kanya.
"I know Love, I know, pero hindi ko pa rin gusto ang nakita ko kanina, ikaw kasama ang family ng ex mo at siya mismo, fu*k that s*it ang sakit sa mata."Aniya na ikinatingin ko sa kanya na busy pa rin sa pagluluto.
"Pero kasi...
"I understand you, but please next time tell me, just tell me, yon lang, hindi naman kita pagbabawalan makipag lunch sa mga kaibigan mo, basta wag lang sa Maby na yon, ka-kasi fu*k I'm so insecure, naiingit ako sa kanya, may tiwala ako sayo, pero sa ex mo wala, walang wala baby."
"Aries."mahinang banggit ko pangalan niya.
"Hmm?"
"Kasi..."
"Why? May problema ba?"takang tanong niya ng hindi ko tinuloy ang sasabihin ko sa kanya.
Gusto ko sanang sabihin na, bakit ikaw nag text ka sa akin kaninang umaga na sabay tayong kakain ng lunch, pero sa iba ka sumama, pinuntahan kita sa office mo, pero wala ka, kung hindi mo pa kami nakita ni Maby na magkasama, hindi mo maiisipan na yayain ako ngayon kumain kasama ka.
Pero bakit hindi ko masabi? bakit parang umurong ang dila ko? Ayla ano bang nangyayari sayo? Boyfriend mo yan o sayo yan, pero bakit pakiramdam ko ako pa ang nakikihati sa oras mo, bakit pakiramdam ko ako na ang nang aagaw ng oras mo?
"Love?"tawag niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya kaya agad akong umiling sa kanya.
"Tinatanong kita, anong gusto mong luto sa adobo? Sobrang tamis o tama lang?"tanong niya.
"Ah, kahit ano na lang okay lang naman."sagot ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.
"Love? Okay ka lang ba?"tanong niya akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang nag ring ang phone niya agad niya naman sinagot yon habang abala pa rin ang isang kamay niya sa pagluluto.
"Hello Maic."tawag niya sa kabilang linya na ikinatingin ko sa kanya agad niya naman napansin ang tingin ko sa kanya dahil napatingin siya sa akin sabay ngiti niya.
Pero imbis magsalita ako habang nakatingin siya sa akin ay ngumiti na lang ako sa kanya sabay tango ko sa kanya na ikinangiti niya rin pabalik sa akin.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon, pero isa lang alam ko ngayon nasasaktan ako, nasasaktan ako pero pakiramdam ko wala akong karapatan maramdaman ito.
Aw, I feel you Ayla, pero laban lang you okay, HAHAHAHA anyways happy reading..
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romantik(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...