Chapter 30: A Brewing Storm

368 28 1
                                    

Chapter 30: A Brewing Storm

"Ano pa bang gusto mo? Hindi ba't sinabi ko ng sumusuko na ako?" aniya sa akin.

"Hindi ka puwedeng sumuko, dahil hindi ko tatanggapin ang pagkapanalong ito. Higit pa roon, may isa pa akong natitirang braso, hindi ba?" sagot ko.

At doon ay narinig na namin ang dismayadong mga kumento at pagmumura sa amin ng mga taong nanonood sa Koliseo.

I don't give a crap about them. All I want is for Sho to stay and not attend the public execution.

Pero isang matalim na tingin lamang ni Sho sa kanila ay para silang mga tupang nagsitahimik at nagsi-amo.

"Pasensya na, ngunit mayron pa kasi akong kailangang gawin," pagpapaliwanag niya, then he glanced at the referee and gave him the signal to end the fight.

"Hindi kita hahayaan," usal ko at kinuha ang punyal na itinago ko sa loob ng aking damit.

Walang pikit-matang itinarak ko iyon sa baling kaliwang braso ko. Hindi ko alam kung magagamit ko pa ba iyon. Pero isa lang ang nasa isip ko, hindi ko siya puwedeng pakawalan.

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya habang pinapanood ako.

Hinugot ko ang punyal sa braso ko at basta na lang ibinato iyon sa kung saan.

"Hindi ko hahayaan ang isang katulad mo ang papatay sa kaniya."

Ang tila nakakubling dungan sa katawan ay biglang kumawala, and the air was filled with nothing but my raging bloodlust.

Sho's surprised face turned serious after that.

"Si Bakunawa ba ang tinutukoy mo?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at mabilis na sinugod mula sa kinatatayuan niya. I was overwhelmed with so much strength that I couldn't control it.

Before I knew it, I began trading blows with Sho again, and most of my attacks landed on him this time.

Then I slid a roundhouse kick on his temple, and his body flew outside the ring.

Ikinuyom ko ang kanang palad ko at naglakad papalapit sa kaniya. I felt my whole body overflowing with dungan, and I wanted to unleash all of it.

The familiar tinge of red slowly creeped from the corners of my eyes.

"Hemia! Hemia, tumigil ka na!" narinig ko pa ang malayong pagsigaw ni Lawin ngunit wala roon ang atensyon ko ngayon.

All I could think is how to restrain Sho.

Pinanood ko siyang dahan-dahang tumayo pero sinipa ko lang siya uli sa sikmura kaya muli siyang tumalsik palayo saka tuluyang napaubo ng dugo.

"Isang tanong, ilang beses niyo siyang sinaktan? Ah mali, ilang beses niyo siyang sinubukang patayin?" nag-iigting ang pangang tanong ko habang naglalakad uli papalapit sa kaniya.

I almost couldn't recognize my own voice as it echoed in my ears.

Every step I took were too heavy that it would create a crack on the ground arena. If this is a normal situation, I would be rejoicing, but all I could see right now is red.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon