Chapter 45: Gods and Goddesses
"Ikaw ang magiging gabay?" napakurap ako, "S--Sandali lamang, anong ibig mong sabihin, Raksasa?"
Pinanood ko kung paano niya unti-unting inalis ang pagkakatali ng kaniyang buhok. His dark long hair fell while his eyes stayed directly on me.
"Ako ang magiging gabay ninyo ni Sho, Hemia. Dahil isa rin akong babaylan."
My eyes grew wider as goosebumps rippled on my skin.
"Patawad dahil hindi ko ito sinabi sa inyo. Iyon ay dahil katulad ng iba, nagtatago ako mula sa mga mata ng Emperador," seryosong wika niya.
Batid kong hindi lang mga babae ang mga itinuturing na babaylan, but finding that Raksasa is one of them is like a slap on the back of my head. Bakit hindi ko iyon napansin?
Mas napaawang ang labi ko nang doon ko napagdugtong-dugtong ang lahat. The voice I've heard during my fight with Tambanokano, it's really him. Ganoon din noong makalabas ako mula sa Koliseo. I've met with him and I was immediately pulled out in the red immaterial dimension's trance.
I knew there's something's going on!
"Isa akong babaylan ngunit hindi ako kasinglakas ng karamihan kaya pasensya n---"
Malalaki ang mga hakbang ko papalapit sa kaniya at kaagad na hinawakan ang mga kamay niya. Napangisi ako.
"Sabi na nga ba nasa sa'yo na ang lahat," wika ko, "Kaya bago pa ako maunahan ng iba. Pakiusap Raksasa, pakasalan mo ako."
Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na napakurap bago muling napahagalpak sa tawa.
"Kapag narinig ni Ban ang mga salitang iyan siguradong magagalit iyon," komento niya habang nakatitig sa leeg ko.
Ouch. Rejected.
Sandali, sa leeg?
Mas lumapad ang makahulugang ngisi ni Raksasa sa akin habang naiiling. Kaya napahawak ako roon ng mabilis. May iniwan bang bakas si Bakunawa? What did he do?
Nagngingitngit ang ngipin kong tinakpan iyon ng ilang hibla ng mga buhok. That bastard . . . .
"Kung isa ka nga talagang babaylan, kaya mo ba talaga kaming gabayan ni Hemia papunta sa Panteon?" tanong naman ni Sho kaya sabay kaming napalingon ni Raksasa sa kaniya.
"Sa aking pagkakaalam, ang isang babaylan ay kaya lamang gumabay ng isang tao papunta roon." Sho assumed a mildly curious expression, tilting his head slightly.
"Kaya ko," Raksasa declared firmly.
Napabuntong hininga naman ako. He doesn't have to push himself that hard for us.
"Raksasa, ayos lang. Kahit isa lang sa amin ni Sho ang iyong gabay--"
"Hindi, Hemia. Gagawin ko ito. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo pababayaan," giit niya at natigilan ako sa determinasyon na nakikita ko sa mga mata niya.
I can't help but be amused. I mean, this is not the first time that I was impressed by what Raksasa can do. But damn, he's a real badass.
Nakita ko ang sandaling pag-angat ng isang sulok ng labi ni Sho, "Kung ganoon, Raksasa. Ipinagkakatiwala namin ang buhay namin sa'yo."
Tumango ako at napangiti na rin.
"Anong kailangan nating gawin?" tanong ko, cracking my head from side to side to prepare.
Sinimulan niyang ipaliwanag ang mga mangyayari sa amin ni Sho at nag-iwan ng ilang mga bilin.
We're now sitting on the floor and facing Raksasa. A lit candle is in front of us.

BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...