Chapter 19: Tambanokano, The Giant Crab
Mabilis akong napalingon sa pinakadulong parte ng templo kung saan nanggaling ang malalim na boses ng lalaking iyon, kahit na pakiramdam ko'y lahat ng dugo ko ay napupunta na sa ulo ko.
Dahil sa liwanag ng mga kandila ay tuluyan kong nakita ang isang lalaki na nakahiga ng patigilid sa isang pahabang upuan na gawa sa kahoy.
Nakatungkod ang isang siko niya at nakapatong ang ulo niya sa kaniyang palad, habang kumakain ng ubas.
Kaagad na napukaw ng atensyon ko ang suot niyang isang hikaw sa kanang tenga niya pati 'yong malaking itim na beaded necklace niya. He looks intimidating and his hair was buzzed. Pero napakakisig naman ng kaniyang mukha. Matangos na ilong, mapanga at napansin ko rin na parang may isang maliit na pangil siya.
Ngunit ang pinakataka-taka ay ang mga mata niyang nakapikit.
Nahihirapan man ay mabilis kong inabot ang tinatago kong punyal na nasa loob ng suot kong damit at pinutol ang lubid na nakatali sa paa ko.
I backflipped and landed on my knee on the floor. Naramdaman ko ang lalong pangingirot ng sikmura ko at pakiramdam ko'y masusuka ako dahil sa pagkahilo.
"Mukhang hindi ka ordinaryong mortal," puna niya sa akin habang ngumunguya na akala mo ay hindi niya ako binitin patiwarik kani-kanina lang.
How can he say that when his eyes are shut closed?
Pinukulan ko siya ng masamang tingin. Sa hindi malamang dahilan, he gives off a familiar vibe.
Katulad ni Bakunawa.
Napaawang ang bibig ko dahil sa reyalisasyong 'yon.
"Pipi ka ba?" tanong niya habang nakakunot na ang noo.
"Sino ka---"
"Ayun! Nakakapagsalita ka naman pala eh," aniya saka umayos na ng upo habang nananatiling nakapikit.
"Ngayon, anong pakay ng isang mortal na katulad mo sa akin?" tanong niya.
Mortal?
"May nagsabi sa akin na kelangan kong dumaan dito bilang isang pagbati at paggalang sa panginoon ng mga taong nakatira sa islang ito," pagsagot ko.
"Iyon ay dahil may hinihintay akong babae na magpunta rito," tila tinatamad na aniya.
Gusto ko sanang tanungin kung sino pero ayoko naman magmukhang usisera.
"Ngayon, mukhang alam mo naman na hindi ako siya. Kaya puwede na siguro akong umalis," tatalikod na sana ako nang biglang pabalibag na sumarado 'yong pinto. Ngunit ni isang kandila ay hindi man lang namatay kahit na lumikha ito ng malakas na hangin sa pagsara ng pinto.
Nanlalaki ang mga mata kong lumingon uli sa kaniya.
"May nakakalimutan ka yata. Ni wala ka man lang dalang kahit na anong alay. Akala ko ba ay nagpunta ka rito para magbigay galang sa akin?"
Napabuga ako ng hangin at nagngitngit sa inis ang mga ngipin ko. This conversation is really getting too familiar as it goes on.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...