Chapter 20: Black Pearled Poison

1.8K 93 2
                                    

Chapter 20: Black Pearled Poison

Naikuyom ko ang palad kong may hawak ng perlas na lason.

Napahalukipkip naman siya at tumango, "Gusto kong lasunin mo si Bakunawa."

"B-Bakit?"

"Hindi na iyon mahalaga. Ang nais ko lang, ipakain mo iyan sa kaniya," saad niya, "At kapag nagawa mo iyon, ipahihiram ko sa'yo ang Einmaraw. Pupwede mo itong hiramin kahit hanggang kailan mo gusto."

Napalunok ako at sandaling napatitig sa kaniya.

Kaya ko ba iyong gawin? Ang lasunin si Bakunawa?

Pero kung tutuusin hindi ba't mas mainam 'yon? Iyon din naman talaga ang rason kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito, dahil bilang isang Moon-Keeper, kailangan kong talunin at patayin si Bakunawa.

Pumikit ako ng mariin nang hindi na tumigil 'yong paglindol. Pakiramdam ko rin ay mabubuwal na rin ako mula sa kinatatayuan ko.

"Ano, Hemia, magagawa mo ba ang gusto ko?" narinig pang tanong ni Tambanokano.

"Immortal si Bakunawa. H-hindi siya mamamatay sa ganitong lason lamang. Ang mga ganap na Moon-Keeper lang ang may kakayahang pumatay sa kaniya," seryosong sambit ko at nagmulat ng mata.

"Malalaman natin iyan," nakangiti paring aniya.

Kasabay nito ay natumba ang isang pader ng templo kung nasaan ang pinto kaya sabay kaming napalingon ni Tambanokano.

Kaagad na bumungad sa paningin ko si Bakunawa na taas-baba ang balikat, basang-basa parin ang buong katawan niya habang tumutulo ang dugo mula sa mga kamao niya. Matigas ang kaniyang panga at madilim ang mukhang nakatingin kay Tambanokano.

Ngayon ko lang siya uli nakitang ganito kagalit magmula noong una kaming nagkita at talagang sinira niya iyong templo ng mag-isa.

Nang dumapo ang mga nagniningas sa galit na bughaw niyang mga mata sa akin ay hindi niya iyon inalis sa akin habang mabibigat at malalaki ang mga hakbang niya papalapit.

Tulala na lang ako nang maramdaman kong higitin niya ang bewang ko papalapit sa kaniya habang nagtatagis ang mga ngipin niya.

"May ginawa ba siya sa'yo, Hemia?" halos dumagundong ang malalim na boses niya sa mga tenga ko, kaya napalunok na lang ako at umiling.

"Hindi mo naman siguro inialay ang sarili mo sa walang kwentang ito, hindi ba?" tanong pa niya uli at narinig ko ang malakas na pag-ismid ni Tambanokano.

Dahil doon, mas humigpit iyong pagkakahawak ko sa lason.

Nang hindi naman ako sumagot ay lumamlam ang mga mata niyang kaninang nagpupuyos sa galit.

"Hemia, may nangyari ba?" tanong niya uli pero ngayon ay may halo ng pag-aalala.

Itinago ko sa likuran ko iyong lason at binalingan si Tambanokano na inaabangan ang desisyon ko.

"Uuwi na tayo, Bakunawa," sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo? Ito lang ang nag-iisang tsansa upang mahiram mo ang Einmaraw sa akin, Hemia," sabi naman ni Tambanokano.

"Ang Einmaraw? Nasa sa'yo ang Einmaraw?" hindi makapaniwalang bulalas ni Bakunawa.

"Oo at binibigyan ko ng tsansa si Hemia na hiramin ito mula sa akin hanggang kelan niya gusto. Ngunit mukhang ayaw naman niya ito," binigyan ako ng mapaglarong ngiti ni Tambanokano na ikinaigting ang panga ko sa inis.

"Bakunawa, ang sabi ko, uuwi na tayo," sambit kong muli at hihilahin na sana siya pero pinigilan niya ako.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi ba't halos handa ka pa ngang mamatay para lang makuha ang espada ni Alpas? Tapos ngayong nasa harapan mo na, bakit mo inaayawan?" halos magdugtong ang mga kilay na tanong niya.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon