Chapter 16: A No-Holds-Barred Match
"Kamusta naman ang tulog mo, Kenraha?" tanong ko sa matabang lalaking nasa harapan ko.
Pinapayungan pa siya ng mga kasamahan niya na akala mo'y hari.
Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtagis ng bagang niya dahil sa sinabi ko.
"Kung gano'n ay kilala mo pala ako," mapakla siyang natawa, saka may dinukot na papel sa bulsa niya.
"Maayos kung ganoon, dahil kilala ko na rin kayo."
Kumunot ang noo ko.
Itinaas at ipinakita niya sa akin 'yong papel na hawak niya at napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mukha ko at ni Bakunawa na nakaguhit doon.
Isang kaban ng ginto ang patong sa aming mga ulo.
Kung ganoon ay pinaghahanap na nga talaga kami ng Emperador, at handa siyang magbayad kahit na magkano para lang makuha hindi ako, kung hindi si Bakunawa.
"Hemia, sandali lang!" natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Raksasa sa likuran ko nang maabutan niya ako.
"Ang sabi ko sa'y---K-Kenraha?"
"Bakit ba kasi wala tayong payong?!" sinundan naman ito ng himutok ni Bakunawa, pero natigil din siya nang makita ang sitwasyon.
Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin kay Kenraha na nakangisi ng malapad.
Base sa kilos ng mga tao pagkarating namin dito sa Cavay ay hindi pa nila kami kilala, ibig sabihin hindi pa nakakarating dito ang mga kawal mula sa kapitolyo.
Ang nahihinuha ko'y may isang taga-Kapitolyo ang nagpunta rito at siya ang nagbigay ng papel kina Kenraha na naglalaman ng patong namin sa ulo.
"Kung sinuswerte ka nga naman. Hindi ba't isang napakagandang tadhana ang pagkikita-kita nating lahat ngayon dito?" hayag pa ni Kenraha pero nanatiling blangko ang mukha ko.
"Hindi ko alam kung bakit kayo pinaghahanap sa buong Imperyo ngayon, pero dahil minsan sa isang buhay lang dumarating ang tsansang ito ay hindi niyo ako masisisi," napakibit-balikat siya.
"Raksasa," tawag ko habang hindi siya nililingon, "Ihanda mo na ang bangka natin."
"H-ha? Hemia, seryoso ka ba talaga sa gusto mong gawin?"
Gumuhit ang ngiti sa labi ko, "May tiwala ako sa'yo, Raksasa. Ako na ang bahala muna rito. Isama mo na si Ban."
Kahit malakas ang ulan ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Bakunawa.
Napatango naman si Kenraha sa mga kasamahan niya nang akmang aalis na 'yong dalawa, pero bago pa nila ito mapigilan, I slashed my wooden sword in the air.
Tila nahati ang ulan at tumalsik sila kaagad.
Napahugot ako ng malalim na hininga at gumuhit ng isang malaking linya sa kahoy na inaapakan ko.
"Kapag lumagpas kayo rito ay alam niyo na kung anong mangyayari sa inyo," sambit ko.
Napaismid naman si Kenraha at muling tinanguan 'yong natitira niyang kasama.
Eight people? I can do that.
Sunod-sunod silang sumugod sa akin, I immediately ducked my head and slammed an elbow into the chest of the first man.
Sunod ko namang sinipa ang sikmura ng isa pa.
Panay ang suntok at balibag ko sa mga lalaking sumusugod sa akin. I jumped high saka ginawang patungan ang balikat ng isa, I backflipped in the air. Malakas na nahagip ng paa ko ang likuran ng ulo niya at mabilis siyang napalupagi sa basang-basa sahig.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...