Chapter 13: The Missing Blacksmith
Sabay-sabay kaming tatlong nakahinga ng maluwag nang maging banayad na ang pag-agos ng ilog.
Madaling-araw na at papalapit na kami ng papalapit sa teritoryo ng Cavay, ngunit ilang oras din kaming nakipaglaban sa malakas na pagragasa ng tubig at malalaking batong nasa ilog.
Napalingon ako kay Bakunawa na nakalaylay ang mga braso sa tubig habang nakayuko sa bangka na akala mo'y patay na.
Napapailing na lang ako sa itsura niya.
May pasabi pa siyang kaya niyang kontrolin ang kahit na anong tubig, pero nang maging magalaw na ang bangka dahil sa pag-agos ng tubig ay hindi na siya matigil sa pagsuka.
Of all people, I can't believe Bakunawa could have sea sickness. We're not even on the sea!
Nang mag-angat siya ng ulo ay hinang-hina siyang napatingin sa akin.
"Hemia, pakiusap . . . gamitin mo na ang kapangyarihan ni Alpas nang makaalis na ako sa katawang-lupang ito," sambit niya at maya maya'y napasuka uli.
Napabuntong hininga na lang ako at nagkatinginan kami ni Raksasa.
Buti na lang talaga at nandito siya. His skill is not a joke, he really is good. Kahit na halos tumilapon kami sa bangka ay nanatili siyang kalmado.
He maneuvered the boat like there were invisible water horses guiding us.
Habang si Bakunawa . . . . ayoko na lang magsalita.
"Ayos ka lang po ba, Binibining Hemia?" tanong ni Raksasa sa akin habang nakatayo at nagsasagwan.
Nginitian ko naman siya saka napatango, "Oo, salamat sa'yo. Isa pa, huwag mo na akong i-po, alam kong hindi naman magkalayo ang edad natin, eh. Hemia na lang, sapat na."
Sinuklian niya rin naman ako ng ngiti.
Sinabi niya sa akin na madali na lang daw ang magiging pamamangka namin ngayon dahil malapit na kami sa Cavay at makalipas ang halos kalahating oras ay narating na nga namin ang malawak na karagatan.
Namataan ko kaagad ang mga istraktura at mga bahay na nakatayo sa tubig. Nandoon din ang hindi mabilang na mga bangka at mga barko.
We've reached it.
Cavay, the Floating Province.
Nang makadaong kami ay muli akong napalingon sa buong paligid.
Naririnig ko lang ito dati galing sa ibang tao. But the whole province is really located on top of the water.
There are also countless long and short erected wooden water bridges, kung saan nakakonekta ang mga ito sa bahay-bahay at mga imprastrakturang nakatayo upang magsilbing daanan ng mga tao.
Siguro kung titignan ng kabuuan ang buong lugar mula sa langit ay magmumukha talaga itong lumulutang.
Everything in Cavay smelled faintly of the sea and the breeze itself was laced with salty edge.
Natigil naman ako sa pagmamasid nang makita ko si Raksasa na may kinakausap na lalaking may mahabang balbas. Noong una ay akala ko'y patungkol ito sa bangka namin. Pero nangunot ang noo ko nang may dukutin siya mula sa bulsa niya at ipinakita sa lalaki ang isang maliit na plakang gawa sa kahoy.
May nakasulat roon na kung ano pero hindi ko 'yon nabasa dahil kaagad niya ring ibinulsa pabalik nang tumango 'yong lalaking kausap niya.
"Ano 'yong ipinakita mo sa lalaki?" kaagad na tanong ko nang makalapit siya uli sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...