Chapter 11: A Chicken Versus A Swan

2.5K 149 5
                                    

Chapter 11: A Chicken Versus A Swan

Naghahabol ang hininga kong tinignan si Eleya nang matapos akong sumayaw.

I know it's not perfect, but I did my best with just a few days of training.

Hindi ko alam pero parang mas kinakabahan pa ako sa magiging hatol niya kaysa sa duwelo namin ni Malari bukas.

"A-ano sa tingin mo?" tanong ko nang hindi siya magsalita.

Seryoso niya lang akong tinitigan hanggang sa itaas niya ang kamay niya.

A thumbs up.

Namilog ang mga mata ko at dali-dali siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit.

"Salamat, Eleya! Maraming salamat talaga," walang masidlan ang tuwa na sabi ko sa kaniya.

All my hardships were worth it.

"B-Binibining Hemia, masyado pong mahigpit, ay!" natatawa naman niyang sabi kaya mabilis akong napalayo sa kaniya.

"Maraming salamat talaga," pag-uulit ko at nakangiti naman siyang tumango.

"Alam ko pong magagawa niyo ito, ay. Ang kailangan niyo na lang pong gawin ay ang manalo bukas," sabi niya.

"Syempre naman! Bukas, ako ang mananalo," I declared with confidence.

"Isang payo lang po mula sa taong nakakakilala kay Dayang Liwa, ay. Mukha mang hindi siya makabasag pinggan, pero kapag siya ay nakipaglaban, wala siyang pinapalampas."

Well, I already knew that.

Panigurado akong may tinatagong kademonyitahan ang babaeng iyon.

"Mayroon lamang po akong nais pang sabihin sa inyo. . . " nabigla ako nang makitang hawak-hawak niya 'yong bali kong espada na gawa sa kahoy saka ibinigay 'yon sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa seryosong ekspresyon niya, "Ano iyon?"

"Narinig niyo na ba po ba iyong tungkol sa mga taong nagpapalamon sa kanilang galit at nawawala sa kanilang sarili, ay?"

Natigilan ako.

She took a sharp breath and her brown eyes stared through me.

"Lahat po ng tao ay may tinatagong halimaw na katauhan, at kumakawala lamang iyon tuwing tayo'y nagagalit, ay."

"Anong . . . ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Isang epektibo at pinagbabawal na pamamaraan upang pansamantalang lumakas ang iyong dungan. Iyon ay ang poot, Binibining Hemia."

Hindi ako nakapagsalita.

Poot?

Hinawakan niya ang isang balikat at marahan 'yong tinapik, "Isa lamang iyong payo kung kayo'y nasa kagipitan, ay. Huwag niyo po sanang masyadong seryosohin."

Napatawa siya sa sarili.

"Napanood ko po kung gaano kayo naging determinado sa inyong pagsasanay sa nakaraang mga linggo, ay. Kaya naman po ngayong natutunan mo na ang limang yugto, kahit ano ay kaya mo ng gawin at isa na roon ay ang gumawa ng sarili mong sayaw na ikaw lamang ang nakakaalam."

Dahil doon, dahan-dahang sumilay muli ang ngiti sa labi ko.

"Naniniwala po ako sa inyo, Binibining Hemia," dagdag pa niya.

The overwhelming feeling of achieving something filled my heart, and someone believing that I can do it beside myself is so strange.

Dahil doon ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko na kaagad na ikinabahala ni Eleya.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon