Chapter 3: A Hundred Flower Graves
11 years later . . .
"Mamalasin ka."
"Nanaman?!" bulalas ko sa matandang babaeng manghuhula na nakahawak sa palad ko.
Pinadaan pa niya ang daliri niya sa guhit ng mga palad ko at napailing-iling sa sarili.
"Pambihira, puro na po kamalasan ang buhay ko. Wala po bang kahit kaunting swerte diyan?" I asked in a desperate tone.
Napahugot naman siya ng malalim na hininga at nangunot ang kaniyang noo.
"Wala talaga, ineng," sagot niya dahilan para bumagsak ang mga balikat ko sa labis na pagkadismaya.
"Susundan ka ng napakaraming kapahamakan at maaaring mauwi sa iyong malagim na kamatayan."
At mamamatay pa nga.
"May kailangan po ba akong gawin para maiwasan iyon?" tanong ko pa
Napaiktad ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin. She leaned closer and her long silvery hair fell in a curtain infront of me, as if sealing us away from the rest of the world.
"Kailangan mong layuan ang isang lalaking may bughaw na mga mata," she whispered in a shaky voice.
The sensation of goosebumps rippled on my skin.
Bughaw na mga mata?
Maya't maya'y napalayo siya sa akin at inihaya niya ang palad niya sa akin.
"Bayad mo."
Napapikit na lang ako ng mariin at napabuntong hininga. Dumukot ako sa aking bulsa ng isang pilak na salapit at ibinigay sa kaniya.
"Salamat po sa hula," wika ko na ikinangiti niya ng malapad kaya lumantad ang kulang-kulang at halos nabubulok niyang ngipin.
"Hanggang sa muli," pahabol niya.
Napipilitan akong ngumiti pabalik saka nagsimulang umalis doon.
I wonder if what she said is true.
Kapahamakan. Kamatayan.
Magmula nang ibigay sa akin ni Alpas ang kapangyarihan niya noong gabing iyon, matagal ko ng inasahan ang dalawang bagay na iyon.
Throughout the years, I trained by myself.
I meditated. I tried to learn to wield a sword, building my stamina and footwork.
Iyong dating Hemia na walang ibang ginawa kung hindi ang maghanap ng makakain at tumulala buong maghapon ay biglang nagkaroon ng layunin magmula ng gabing iyon.
Ilang taon na ang lumipas magmula ng huli kong nakita si Alpas, at hindi na rin nagpakita pa si Bakunawa.
Hindi ko alam kung buhay pa ang Moon-Keeper na iyon at kung tuluyan na nga niyang natalo ang dragong si Bakunawa.
Ngunit malakas ang kutob ko na aahon uli siya sa tubig para kainin muli ang natitirang buwan. Kaya naman hindi ako maniniwala sa teorya at mga hinuha lamang hangga't hindi nakikita mismo ng dalawang mga mata ko.
If the moon remains, maybe Alpas survived.
Kaya naman'y naglalakbay ako sa buong imperyo upang hanapin siya.
Because if something like what I've witnessed happened again. It can really be the end of the world.
Kinuha ko ang maliit na tapayan na may laman ng alak na nakakabit sa bewang ko at nang inumin ko ang laman nito ay ni isang patak ay walang lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/79551157-288-k483207.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...