Chapter 26: Lawin's Test
"Talaga, Lawin?! Pumapayag ka ng sanayin ako?!" walang masidlan sa tuwang sambit ko.
"Anong pumapayag? Hindi pa no!" tanggi naman niya, "Bibigyan kita ng isang pagsusulit, at kung makapasa ka, saka lang kitang tatanggaping estudyante ko, at pansamantala lang iyon."
I scoffed and shook my head in disbelief, "Kahit anong pagsusulit pa iyan, hindi ko uurungan."
"Sana makapagyabang ka pa pagkatapos ng pagsusulit mo," nang-uuyam namang sabi niya bago nilingon si Raksasa sa tabi ko.
"Ah, oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Si Raksasa, kaibigan ko siya," pakilala ko.
"P-pasensya na, hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari eh. Ilang taon ka na ba, Lawin?" nag-aalangang tanong ni Raksasa.
"Sampung taon."
Nalaglag ang panga ni Raksasa dahil doon, kaya naman napaakbay ako sa kaniya habang natatawa.
"Masanay ka na. Ganiyan talaga ang kadalasang nararamdaman ng mga taong unang nakakakilala kay Lawin. Tulad nga ng sabi ko sa'yo, isa siyang pantas. Marunong na nga iyang maglakad kahit hindi pa siya ipinapanganak eh."
Raksasa almost had a massive heart attack upon hearing that, which made me burst into wild laughter.
"Biro lang!" pagbabawi ko habang hindi makahinga sa pagtawa.
"Si Lawin iyong matatawag mong henyo, Raksasa. Katulad ng nabanggit mo sa akin, pili lang ang mga taong may kayang kontrolin ang kanilang Yin at Yang na enerhiya sa kanilang katawan. Sa kaso ni Lawin, dalawang taon palang siya pero kaya niya na iyong gawin," paliwanag ko at hindi parin siya makaimik sa pagkabigla.
But most important of all, kaya kahit na sobrang lakas ni Lawin ay hindi nakararating sa Emperador ang kaya niyang gawin, is because he's an information broker.
He uses his strength with wits. Gamit ang natural na lakas, lahat ng kalaban niya ay nagiging taga-sunod niya. Kaya naman marami siyang galamay hindi lang sa kapitolyo, kung hindi sa buong Lakansorang.
"May ideya ka ba kung paano kami makakapuslit sa palasyo?" tanong ko kay Lawin.
"Hindi 'kami', kung hindi siya," sabay nguso kay Raksasa na mukhang nakabawi na sa pagkabigla.
"Ako?" itinuro niya ang sarili at napalunok.
"Maswerte kayo dahil nabalitaan kong naghahanap ang Emperador ng isang magaling na pintor ngayon, ngunit dapat ito ay galing sa isang maharlikang pamilya," sabi niya saka tinignan ang kabuuan ni Raksasa bago napatango-tango.
"Sa hilatya ng mukha mo, pwede na rin," dagdag pa niya, "Kaunting palamuti sa katawan at magarang damit at pupwede ka ng pagkamalan na isang galing sa maharlikang pamilya."
"Teka, seryoso ka ba diyan, Lawin?" tanong ko naman.
"Oo, ang tanong lang ay . . . . . marunong ka bang gumuhit?"
--
Itinali ko sa isang mataas na pusod ang buhok ko, then I stretched my arms upward and did a few jumping jacks.
Papasikat pa lang ang araw pero gumising na ako dahil kabilin-bilinan ni Lawin na ayaw niya sa taong batugan. Kulang na nga lang ay unahan ko na rin ang mga manok sa pagtilaok.
"Oh, gising ka na pala," narinig ko ang boses niya mula sa likuran ko at nang lumingon ako ay naghihikab siyang lumabas mula sa bahay niya.
Hindi ganoon kalaki ang bahay ni Lawin, iyon ay dahil nga para hindi masyadong mapukaw ang atensyon ng lahat ng nasa Kapitolyo sa kaniya. It is also where he receive his customers who seek informations.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...