Chapter 59: Distant Memory
My senses came back in blurs. I saw a shape above me and heard a garbled voice shouting my name. It was all a cold muffled haze.
I'm tearing up blood from my right eye. Exhaustion set in and my limbs were growing heavy.
"Akala ko hindi na ako aabot," the owner of the voice sound anxious and desperate as I felt some arms tighten around me.
Bakunawa . . .? Is Bakunawa here right now? Did he save me?
"Hoy, tanda. Ano pang ginagawa mo? Pagalingin mo na siya," Mas luminaw ang nakakairitang boses na iyon na siyang tuluyang kumumpirma ng hinuha ko.
However, my consciousness was constantly fading in and out so I couldn't fully grasp the situation. Nanghihina akong napangiti. I'd finally found him. Thank Gods and Goddesses, he's alright.
With that, Bakunawa's voice drifts further and further away . . .
***
"Ate Hemia, gising . . . ."
Napaungos ako, "Huwag kang magulo, natutulog ako."
"Kapag naabutan ka ni Babaylang Aginaya na natutulog, tiyak na kagagalitan ka niya," bulong pa sa akin ng pamilyar na boses.
Kumunot ang noo ko at dahan-dahan akong nagmulat. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag kaya naningkit ang mga inaantok kong mata.
I raised my head and rubbed my eyes to get a clearer view.
Nang masanay sa liwanag ang mga mata ko ay unti-unting luminaw ito at natagpuan ko ang aking sarili sa isang pamilyar na lugar.
"Mukhang labis kang napagod sa paglilinis kanina, Ate Hemia," sambit ng limang taong gulang na bata sa aking harapan at malapad na nakangiti.
The sunlight gave her eyes just the right glimmer,
kisses her small lips to a soft red and her braided hair to ebony; it plays upon her old clothes, alighting softly upon her skin.Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sa kaniya.
"T--Tala . . .?"
Nagsalubong ang mga kilay niya sa akin, tipping her head to the side in confusion, "Bakit parang nakakita ka ng multo? Binangungot ka nanaman ba, Ate?"
"Ha?"
Iyong naguguluhan niyang ekspresyon ay napalitan nang pag-alala nang hindi ko namamalayang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.
"A--Ate Hemia, ayos ka lang ba?! Masakit ba ang tiyan mo? Nagugutom ka ba?! Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod na tanong niya ngunit sa halip na sagutin siya mabilis ko siyang hinila at niyakap ng pagkahigpit.
Malakas akong napahagulgol habang yakap-yakap siya.
"Ate, ano bang nangyayari?" narinig ko pang tanong niya muli pero umiling lang ako.
Totoo ba ito? Nangyayari ba talaga ito?
Tala is here. She's here with me. Am I really hugging her right now? Is she really alive?
"S--Sandali, hindi po ako makahinga," aniya pa.
"Hoy, Hemia, Tala! Ano nanaman bang---Ehh?! Anong nangyayari?!"
Natigilan ako nang marinig muli ang isa pang pamilyar na boses ng batang lalaki. Dahan-dahan akong napakalas kay Tala na gulong-gulo sa akin.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses habang halos tumutulo na ang uhog ko at nakita ko sila Juro at Yushui na mayroong hawak na mga libro. Nanlalaki ang mga mata nila sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...