Chapter 24: Welcome to the Capitol

1.4K 70 2
                                    

Chapter 24: Welcome to the Capitol

"Hemia, Raksasa, maraming salamat," nakangiting sambit ni Gangsu nang dumaan kami sa pandayan para ibigay ang mga ibinilin ni Anpo.

Tatlong araw na ang lumipas magmula nang magising ako at halos dalawang linggo na lang ang natitira para sa magiging eksekyusyon ni Bakunawa sa kapitolyo.

Nagising din si Raksasa ilang oras pagkatapos kong magkamalay ngunit hindi talaga kami pinayagan ni Apo Dangrao na umalis sa pagamutan, kaya naman ngayong araw lang uli kami nakalabas nang masigurado niyang maayos na ang lagay namin pareho.

Ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat ni Gangsu at mapait siyang nginitian.

Masakit parin sa akin ang isiping hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya. Pero katulad ng sabi ni Raksasa, I have to respect Anpo's decision.

"Sundin mo lang lahat ng sinabi kong ibinilin ni Anpo sa'yo dahil alam kong ikatutuwa niya 'yon ng lubos," sabi ko sa kaniya, "Kung sakali mang manggulo uli sila Kenraha rito, sulatan mo ako at kung hindi ako abala ay babalik ako para upakan uli silang lahat."

Natatawa naman niyang tinuyo ang mga luha niya gamit ang likuran ng kaniyang palad saka tumango.

"Salamat uli," usal niya saka inayos ang kaniyang saklay.

Nang magpaalam kami ni Raksasa kay Gangsu ay malakas ko ring tinapik ang likuran niya kaya napalingon siya sa akin.

"May gusto nga pala akong malaman," pagsisimula ko, "Noong nasa loob tayo ng kuweba, habang nakikipaglaban ako kay Tambanokano, tinawag mo ba iyong pangalan ko?"

"Tinawag? Hindi ko maintindihan . . ." naguguluhang aniya.

Nang makita kong mukhang wala naman siyang alam ay napailing na lang ako.

"Wala. Parang narinig ko kasi iyong boses mo," sabi ko na lang.

I recognized his voice back then and that made me snapped back from that trance. Pero hindi nga namang imposibleng umabot ang boses niya sa akin kung sakali mang tinawag niya ako at nasa kabilang lagusan siya ng kuweba.

Maybe I was hallucinating?

"Oo nga pala, babalik ka na ba sa Manululsul?" pag-iiba ko na lang ng usapan kaya bahagya siyang napayuko.

"Alam mo, Raksasa. Mas higit akong nagpapasalamat sa'yo dahil kasama ka namin ni Bakunawa. Pero kung malalagay lang din naman ang buhay mo sa peligro ng dahil sa amin, maluwag sa loob ko kung ang desisiyon mo ay hindi na tumuloy sa paglalakbay kasama kami," sambit ko at napabuga ng hangin.

"Ano bang sinasabi mo, Hemia? Masaya kayong kasama ni Dakilang Bakunawa. Isa pa, hindi mo naman kasalanan iyong nangyari sa akin," narinig kong aniya kaya gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ko.

"Basta mag-iingat ka sa pagbalik. Ikamusta mo na rin ako kay Eleya at pasabing pasensya na dahil nawala ko iyong regalo niya," sambit ko.

Napatango naman siya.

"Mag-iingat ka rin."

Tumango ako pabalik saka ko ipinagsalikop ang mga palad ko sa likuran at tuluyan na siyang inunahan sa paglalakad.

Kahit na ang sabi ko'y tatanggapin ko kung hindi siya sasama, pero iba talaga kapag nakasama mo na ang isang tao at naging magkaibigan na kayo.

Mukhang madadagdagan ang rason ng pagbisita ko sa Manululsul.

Nagsimula akong lumibot sa Cavay habang naghahanap ng pupwedeng masakyan papuntang kapitolyo.

A carriage costs a lot, so I'm looking for a merchant wagon. Balak ko sanang makisabay na lang ngunit punuan din sila o ang iba nama'y pinapabayad ako.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon