Chapter 54: Deep Slumber

566 22 2
                                    

Chapter 54: Deep Slumber

"Hemia, ibinabalik ko na pala ito sa'yo," biglang pahayag ni Raksasa at ibinigay sa akin ang palamuti sa buhok na siyang ipinangalaga ko sa kaniya pansamantala.

Natigilan ako ng ilang sandali bago ito tinanggap.

"Maraming salamat . . ." Tipid akong napangiti.

It's really a huge relief that he's now talking like normal even though I know he's still grieving deep inside.

But then I winced when I suddenly felt a stabbing pain all over my body.

Bumaha ang pamilyar na pag-aalala sa mukha ni Raksasa at maagap niya akong inalalayang makaupo sa isang malaking bato na malapit sa amin.

"Kailangan nating makapunta sa pagamutan, Hemia. Malalalim ang mga sugat mo. Labis na rin ang iyong pamumutla," saad niya saka nilingon si Sho.

"Hindi ako sigurado kung mayroon pang bukas na pagamutan na malapit sapagkat nasa gitna tayo ng digmaan ngayon," wika naman ni Sho.

"Ngunit hindi naman masama kung magbabakasakali tayo. Malala ang lagay ni Hemia," giit pa ni Raksasa.

"Hindi. A--Ayos lang ako. Isa pa, kailangan nating magpunta sa kapitolyo," sambit ko at nang mapalingon ako kay Bakunawa ay nabigla ako dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Kanina pa siya tahimik.

"Sandali, ano?! Bakit sa kapitolyo?" bulalas ni Raksasa kaya dumapo muli ang mga mata ko sa kaniya, "Sigurado akong malala ang labanang nangyayari roon ngayon. Hindi iyon ang lugar na dapat nating puntahan, Hemia."

Bumalik sa aking isipan iyong mga sinabi ni Heneral Surei kanina. May isang dyos na isisilang at iyon ang kanilang pinipigilan. Gusto rin nilang bawiin si Bakunawa. I don't know what that means, pero may masama akong kutob roon.

Para saan ba talaga ang digmaang ito?

Ipinaliwanag ko iyon sa kanilang lahat at nakita ko ang pagdilim ng mga ekspresyon nila. Si Raksasa naman ay nagpakawala na lang siya ng buntong hininga.

"Sa isang kondisyon . . " mataman akong tinignan ni Raksasa, "Hindi ka pupwedeng makipaglaban uli sa ngayon, Hemia."

Natigilan ako.

"Hindi ako papayag na lalaban ka ng ganiyan ang kalagayan mo. Isa pa, ang ating prayoridad ay makahanap ng pagamutan," dagdag pa niya saka ako hinawakan sa balikat.

Magpoprotesta pa sana ako pero umiling lang siya kaya bumagsak ang mga balikat ko at napatango.

"Kung ganoon, kailangan natin ng bagong kabayo, dahil kapwa ng pagod ang mga kabayo na ibinigay sa atin ni Lawin. Hindi na nila kakayaning magpatuloy pa."

"Sigurado akong mayroong iilang nakaligtas na kabayo ng mga kawal ng Berbanaya. Iyon na lang ang gamitin natin," wika naman ni Sho kaya napatango ako bago humugot ng malalim na hininga.

Nagpaalam siya kaagad sa amin upang maghanap habang si Raksasa naman ay naglabas ng ilang mga tela, probably to bandage my wounds.

"Ako na ang bahala rito, Raksasa. Tulungan mo na lamang si Sho sa paghahanap ng kabayo natin nang sa gayon ay mabilis tayong makaalis," biglang imik ni Bakunawa habang hindi parin inaalis ang seryosong tingin sa akin.

Parang nanigas naman ako sa pag-upo ko sa bato.

Raksasa eyed me as if asking a question.

Pasimple akong umiling. No, don't leave me. Dahil pakiramdam ko may hinding magandang mangyayari kapag naiwan uli kami ni Bakunawa.

"Sige, tutulungan ko lang si Sho. Ban, mag-iingat ka sa pagbalot ng mga sugat ni Hemia," paalam niya kaya nalaglag ang panga ko.

Pipigilan ko pa sana siya ngunit nakatalikod na siya sa amin bago ko pa maibuka ang labi ko. Darn it! Raksasa, you traitor!

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon