Chapter 8: Rain of Arrows
Nang magbukang liway-way na ay ginising ko na si Bakunawa para magpatuloy sa paglalakbay. Ngunit dahil sobrang hirap niyang gisingin, kinailangan ko pang pigain ang ilong niya upang bumalikwas siya ng bangon.
"Hindi mo ba alam na pupwede akong malagutan ng hininga sa ginawa mo?!" reklamo niya habang sinasabayan ako sa paglalakad at nakahawak parin sa namumulang ilong niya.
"Ang ibig mong sabihin, sa ganoong paraan lamang pala ay kayang-kaya na kitang patayin?" nakangisi kong sabi saka akmang sisipitin uli ang ilong niya gamit ang mga daliri ko pero mabilis siyang nakaiwas.
"Isang kabulaanan! Ako na si Bakunawa ay maglalaho sa ganoong kagimbal-gimbal na pagkamatay?!" mariing pagtanggi niya bago ako inunahan sa paglalakad.
Napangiti na lang ako sa sarili. Kung hindi ko lang nakita kung ano ang mga kaya niyang gawin noong nakaraang araw ay hindi talaga ako maniniwala na siya si Bakunawa.
"Ang kapangyarihan na iyong dala-dala ay mangangailangan ng isang matibay na lalagyan, at ang lagayang iyon ay ang iyong katawan. Kaya naman, bago mo magamit ang kapangyarihan ni Alpas, kailangan mo munang makontrol at malinang ang iyong dungan," paliwanag niya.
"Dungan? Ano iyon?"
Napangiwi siya, "Hindi mo alam?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" I countered with a blank expression.
Napailing-iling naman siya na tila labis na nadidismaya sa akin. Ang sarap niya lang tuktukan.
"Dungan ang tawag sa enerhiya na nasa iyong katawan kaya ka humihinga at nabubuhay," paliwanag niya habang nakaupo.
We're having a stop over to rest for a while, and fortunately while we're at it, he's giving me tips for my training.
"Lahat ng tao, maski mga hayop ay nagtataglay nito. Ngunit mangilan-ngilan lamang ang may kakayahang kontrolin ito, at iyon ang kailangan mong pag-aralan."
Kuminang ang mga mata ko at sunod-sunod na tumango.
"Tapos?"
This is the first time someone is guiding me in training. Dahil sa walanghiyang Moon-Keeper na hindi man lang nag-iwan ng kahit na anong tagubilin, I have to figure it out by myself.
Nang makita ni Bakunawa ang reaksyon ko ay napatikhim siya at itinaas ang kaniyang tatlong daliri, "May tatlong bagay kang kailangang pagtuunan ng pansin. Paghinga, Porma at Kamalayan."
"Paghinga, porma at kamalayan," pag-uulit ko habang isinusulat ang kaniyang mga sinasabi.
But then I jolted in surprise when he suddenly stood up and sat beside me.
"Iharap mo ang likuran mo sa akin," he instructed.
Halos magbuhol ang mga kilay ko, kahit naguguluhan ay umikot na lamang ako at umayos ng pag-upo.
"Ituturo ko sa iyo ang tamang paghinga upang mapakiramdaman mo ang pagdaloy ng iyon dungan. Sa oras na nangyari iyon, nais kong ipunin mo ito sa pinakagitna ng iyong katawan," dagdag niya kaya napatango ako.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...