Chapter 53: Unparalled Fury
Napaluhod ako sa lupa at gamit ang isang kamay ko ay napahawak ako sa aking leeg, desperately gasping for air. Halos mamanhid ang buo kong katawan.
This bastard is controlling the air around me, and he's depriving me of it. Asphyxiation.
Ito ang kapangyarihan ng isang mandirigmang nakamit ang ikatlong sikwensya.
Nagsimula siyang naglakad ng mabagal papalapit sa akin. His ridiculous mask became more sinister as he approaches.
Dread pooled at the bottom of my stomach and I couldn't move.
"Hindi ko inaasahang hanggang ngayon hindi mo pa nakakamit ang ikatlong sikwensya. Isa ka ba talagang Moon Keeper?" He again emitted a high-pitched cackle.
Tuluyan akong napaluha habang nahihirapan sa paghinga.
He bent down to me and without a word, binunot niya ang kaniyang blade ring na nakabaon sa balikat ko. I barely bit back a cry of pain.
"Hindi sapat ang iyong lakas, Moon Keeper," even with his mask on I could see his obsidian eyes gleaming in amusement, "Kaya kahit anong mangyari, ang mga katulad mo ay itinuturing na hanggang tagapagsilbi lamang ng diyosa ng buwan."
I could feel my heartbeat slowing, crawling nearly to a stop. I wheezed.
I can't die. I can't die yet.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagpunta rito para sa'yo. Naririto kami upang pigilan ang pagsilang ng isang bagong diyos, at upang bawiin si Bakunawa. Isa pa, hindi ako ang iyong tunay na kalaban," aniya saka ako natatawang nilagpasan.
My nails clutched into the dirt. Halos lumuwa na ang mga mata ko. Sinubukan kong magsalita ngunit puro pagsinghap ang lumalabas sa akin.
Fuck. Fuck it!
My eyes rolled back and my whole body started to convulse because of lack of air.
But as I was clinging to the thin thread of my consciousness, I could hear voices ringing in my head, speaking languages I couldn't understand, there are men, women and children. They're screaming, crying, begging, chanting and laughing at the same time.
The world was quite going dark, but shifting. Then my vision swirled and sparked into stream of bright colors, bold and gaudy.
Then I finally grasp a voice that is somewhat familiar to me. A voice I didn't know I would hear again.
Mayari.
"Hanggang dito ka na lamang ba, Hemia?" tanong niya na may halong pagkadismaya. Ang boses niya'y tila mga daliring magaang humahaplos sa aking ulo.
Hindi ako nakaimik.
"Hahayaan mo na lang bang tumakas ang lalaking iyon pagkatapos ng ginawa niya sa Manululsul?" dagdag pa niya.
"Pagkatapos niyang patayin ang mga taong naroroon? Pagkatapos niyang ipinagahasa sa lahat ng kaniyang kawal ang mga bata't kababaihan? Pagkatapos niyang pagpira-pirasuhin ang kanilang mga katawan na akala mo mga laruang manika? Pagkatapos niyang sunugin ng buhay ang pinakamamahal mong kaibigang si Eleya?"
Visions pierced my mind like knives forced into my temples. Piles and Piles of dead bodies and charred houses. Children running for their lives. Families huddling up together in fear. People trying to fight while screaming profanities. Women are being gagged as they take their dignity.
Kahit subukan kong sumigaw ay nagpaulit-ulit iyon ng ilang beses. Tila walang katapusan.
Tama na. Tama na. Tama na . . .!
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...