Chapter 18: A Hand-Carved History
Bago ko pa mamalayan ang sarili ko ay mabilis na akong kumakaripas ng takbo sa kung saan.
"Bakunawa! Nasaan ka?! Raksasa!" sigaw ko habang lahat ng rebulto na nadaraanan ko ay nagsisilingunan sa akin.
"Bakunawa!" muling sigaw ko at pilit na hinihila 'yong sinulid na gawa sa tubig sa daliri ko.
"Bakunawa, nasaan ka?! Puntahan mo ako!" muling hiyaw ko at pakiramdam ko mauubusan na ako ng hangin dahil sa kakatakbo.
Hanggang sa biglang may malakas na humila sa braso ko kaya malakas akong napasinghap, kasabay ng pagtama ng noo ko sa matigas na dibdib.
Napaawang ang bibig ko at tuluyan akong naging tuod dahil sa pinaghalong takot at kaba.
"Anong nangyayari?" tanong ng pamilyar na malalim na boses at dahil doon ay mabilis akong napaangat ng tingin.
Bumungad sa akin ang nakakunot-noong mukha na may bughaw na mga mata.
"Bakunawa . . .?"
"Ano bang nangyayari, Hemia?" tanong niya uli pero sa halip na sagutin siya ay napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.
Pakiramdam ko nanginginig na 'yong tuhod ko at sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko.
Dumating siya. Akala ko hindi na niya ako pupuntahan.
Because of that, my whole body eased.
"Alam kong masarap akong yakapin. Pero ano ba kasing nangyari?" sambit pa niya at dahil doon ay tuluyan akong kumalma.
Humiwalay ako kaagad sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Bakit ba ang tagal mong dumating? Kanina pa ako hila ng hila rito," pagtutukoy ko roon sa sinulid.
"Paanong matagal akong darating, eh ang bilis mo kayang tumakbo. Kanina pa kita hinahabol," aniya.
Natahimik naman ako.
Asar siyang napakamot sa isang kilay niya at mataman akong tinignan.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?"
"Kasi eh . . . ." lumingon ako sa mga rebulto at nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang hindi na nakaikot ang mga ulo nila at nakalingon sa akin.
Teka, paanong . . . ? Imahinasyon ko lang ba 'yon?
"Hemia . . " nabalik lang ako sa kasalukuyan nang tawagin ako uli ni Bakunawa.
Napabuntong hininga na lamang ako, "Pasensya na. Nagkamali lang yata ako."
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Dapat hindi na talaga tayo pumunta rito, eh," pagmamaktol niya.
Inirapan ko na lang siya. Kahit kailan napakaarte.
"Sige. Hilahin mo na lang uli 'yong sinulid kapag---" akmang aalis na siya nang higitin ko 'yong braso niya at napailing.
"Teka, huwag mo akong iwan."
"Ha? Akala ko ba maghihiwa-hiwalay tayo para mas mapabilis ang paghahanap?" naguguluhang tanong niya.
"B-basta! Dito ka na lang. Huwag mo akong iwan," kandalunok na ani ko.
Hindi naman nakatakas 'yong pagsilay ng kakaibang ngisi sa labi niya.
"Natatakot ka ba?"
"H-hindi ah! Anong akala mo sa akin, bata?" tanggi ko saka mabilis na binitawan 'yong braso niya.
"Edi kung gusto mo, umalis ka na! Shoo!"
Tinaasan niya ako ng kilay bago tuluyang tumalikod, "Sige, sabi mo eh. Basta hilahin mo na lang 'yong sinulid ah."
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...