Chapter 37: A Knock From the Past
"Nagagalak akong makilala ka ngayong gabi, Hemia."
Pinukulan ko ng masamang tingin si Bakunawa na sinusubukang gayahin ang boses ni Linus. Kanina pa siya ganiyan at masusundan ng mapang-asar niyang tawa.
Kaunti na lang at magigilitan ko na siya ng leeg gamit ang Einmaraw.
We're now currently in a small inn. We got a room that is huge enough for the four of us. Napagdesisyunan naming dito na lamang muna magpapalipas ng gabi dahil bukod sa labis kaming napagod sa paglalakbay. Pagod na rin kami sa mga nakakarinding daing ni Bakunawa na nais na niyang makahiga sa isang kama.
"Ngunit hindi ko talaga inaasahan ang kaganapang iyon, Hemia. Mabango ba iyong bulaklak?" tanong naman ni Raksasa habang nangingiti.
Napatingin ako sa rosas na binigay ni Linus saka napakibit-balikat, "Wala namang mabahong rosas."
Narinig kong napaismid si Bakunawa kaya nilingon ko siya uli at nakita ko siyang patagilid na nakahiga sa kama at nakaharap sa akin.
"Ano bang mayroon sa mga bulaklak na iyan at masyado niyong binibigyan ng kahulugan? Dahon lang din naman iyan na may ibang disenyo," sambit niya.
"Bakit ba napakakontrabida mo? Palibhasa, hindi mo alam kung anong kahulugan ng pagbibigay ng bulaklak ng isang lalaki sa babae," inis kong sabi.
"Paano ko malalaman? Hindi naman ako isang hamak na mortal na katulad niyo. Ako si Bakunaw---"
"Oo, ikaw si Bakunawa. Isang dragon na walang ibang ginawa kung hindi manlait at magreklamo kahit na takot naman sa uod."
Natahimik siya, "Hindi ako takot sa uod!"
I blew out a breath of frustration.
"Alam mo ba, Ban," pagsisimula ni Raksasa, "Kapag nagbigay ng pulang rosas ang isang lalaki sa isang babae, para na rin niyang inihahayag ang kaniyang pagtangi rito."
"Pagtangi?" nagsalubong ang mga kilay niya at napatingin sa akin, "Tinatangi ka niya?"
Mayabang akong napangisi, "Parang ganoon na nga."
"Eh hindi ba't ako ang tinatangi mo?"
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway at malakas namang napatawa si Raksasa.
"A-Ano bang sinasabi mo?!"
"Huwag ka ng magkaila, sinabi mo na dati pa na ako ang tinatangi mo!" giit niya.
Napasentido na lamang ako.
"Oh bakit hindi ka makapagsalita? Isa pa, talaga bang tinatangi ka ng mortal na lalaking iyon?" tanong niya.
"Oo naman! Binigyan niya ako ng rosas, inimbitahan niya ako dumalo sa susunod niyang pagtatanghal at higit sa lahat, sinabi niyang maganda ako!"
"Naniwala ka naman?"
Kumibot iyong ugat sa aking sentido at bago ko pa siya masugod sa kama ay hinila na ako ni Raksasa.
"Ako na ang kakausap sa kaniya, Hemia. Mas mabuti sigurong magpahangin ka muna," natatawang aniya saka ako pinagtulakan palabas ng silid.
Napaawang na lang ang labi ko habang nakatingin sa saradong pinto, bago ako napapikit ng mariin at bumuga ng marahas na hininga.
Just what the heck is wrong with him?!
***
"Anong nangyari?" salubong sa akin ni Sho pagkababa ko sa unang palapag ng bahay-panuluyan kung saan ay nagsisilbi itong kainan para sa amin.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...