Chapter 15: The Night of Submerging

1.9K 102 2
                                    

Chapter 15: The Night of Submerging

Pinanood naming tatlo ang malakas na paghagulgol ni Anita sa kaniyang kasintahan na si Gangsu.

Hindi ko tuloy alam kung umiiyak ba siya dahil siya ang nagbayad ng kinain namin kanina o dahil sa kalagayan ni Gangsu ngayon.

Ngunit hindi rin namin maiwasang makahinga ng maluwag ni Raksasa nang maabutan namin siyang may malay na.

"Totoo bang nagpunta sila Kenraha sa kainan kanina?" tanong ni Gangsu sa kaniyang kasintahan at hinawakan nito ang pisngi na namumula dahil sa malakas na pagsampal ni Kenraha.

"Huwag mo ng isipin 'yon, Gangsu. Ayos lang ako. Ang dapat mong isipin ay ang magpagaling kaagad," naluluha paring wika ng kasintahan.

Nagyakapan muli silang dalawa kaya napaiwas ako ng tingin.

Dapat yata'y iniwan muna namin silang dalawa para makapag-solo.

Sasabihan ko na sana sila Bakunawa nang maya't maya'y napalingon sa amin si Gangsu. Mababakas parin talaga ang napakaraming sugat sa mukha niya, putok ang labi at ang isang mata niya ay halos nakapikit na dahil sa pamamaga. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Anita at bahagya niyang inuyuko ang ulo niya sa amin.

"Maraming salamat. Raksasa, salamat."

Napangiti na lang si Raksasa dahil doon, "Wala iyong problema, para namang hindi tayo magkaibigan."

Sinuklian din siya ng tipid na ngiti ni Gangsu, "Pasensya na dahil ngayon ka na nga lang nakadalaw uli rito sa Cavay at sa ganitong lagay mo pa ako nadatnan."

"Gaya ng sabi ni Anita, huwag mo na iyong intindihin at magpagaling ka."

Napabaling naman si Gangsu sa amin ni Bakunawa at napansin ko na bahagya siyang natigilan.

"Oo nga pala, nakalimutan kong maipapakilala sila sa'yo. Mga kaibigan ko sila na galing sa kapitolyo," pagsisimula ni Raksasa, "Si Hemia at si Ban."

"Nagagalak akong makilala kayo at buong puso uli akong nagpapasalamat sa inyo, Hemia at Ban. Sisikapin kong masuklian ang ginawang pagtulong ninyo sa amin," muli siyang napayuko at ganoon din si Anita.

Napabuntong hininga naman akong napatingin sa kanilang pareho.

"Kung gano'n may gusto sana akong itanong sa'yo, Gangsu," seryosong ani ko na ikina-angat ng ulo niya.

"Nagpunta ba rito sa pandayan ang isang lalaking nagngangalang Alpas?"

Pagkarinig na pagkarinig niya nito ay nakita ko ang pagputla ng mukha niya at panlalaki ng mata niya.

"I-ikaw . . . ." naiusal niya na parang hindi makapaniwala, "Ikaw 'yong tinutukoy ni lolo?"

Hindi ako sumagot at pinanood ko siyang nagpakawala ng malalim na hininga saka napailing.

"Labing tatlong na taon na ang nakalipas nang may magpuntang estranghero rito. Ngunit sa hindi malamang dahilan, napansin kong malapit si Lolo sa kaniya, na tila matagal na silang magkaibigan. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-usapang dalawa dahil inutusan ako ni lolo ng araw na iyon upang maghatid ng mga pinanday niyang espada. Pero isa lang ang nasisiguro ko, magmula noong araw na iyon ay nagbago ang Lolo ko."

Natigilan ako.

"A-anong ibig mong sabihin? Nagbago?"

"Simula noon ay naging abala siya. Ni hindi niya ako kinakausap at nagkukulong lang siya sa ikalawang palapag at doon siya nagpapanday. Hindi rin siya tumatanggap ng mga pinapagawang armas ng mga parokya namin at sa akin niya ipinapasa. Dalawang taong gano'n ang nangyari na akala ko'y nasisiraan na ng bait ang Lolo ko," pagkuwento niya.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon