Chapter 41: Red Hibiscus
"Hihintayin ko ang iyong desisyon."
Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa aking isip magmula ng makaalis kami sa bahay-aliwan. Tinanong ako nila Raksasa kung anong nangyari ngunit hindi ako umimik.
Hindi ko alam kung bakit ako umalis mula roon. Why did I gave up on killing her? Is it because I'm considering her offer?
Pero kasi tuwing iniisip ko na mabubuhay muli sila Tala, Yushui at Juro parang mababaliw ako sa labis na tuwa.
Mayayakap ko sila uli. Makakasama ko sila uli.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko iyong hiniling. Ilang beses akong bumalik sa aking pagtulog dahil gusto kong manatili sa panaginip ko kung saan kasama ko sila.
Now there's a chance that it could happen. Nakahain na ito sa aking harapan. Ang kailangan ko na lang gawin ay kunin ito.
Isa pa, mortal ko naman talagang kaaway si Bakunawa, hindi ba? He's a Moon-Eater that threatens the world to be drowned in darkness. He is dangerous, and he's someone I'll be killing in the end anyway.
"Hemia, anong iniisip mo?"
Natigil ako nang maulinigan ang boses ni Raksasa na nag-aayos ng mga gamit namin at nagtatakang nakatingin sa akin.
We're now back in our room. Si Bakunawa at Sho ay mahimbing ng natutulog kahit papalubog pa lang ang araw. Sleepy heads.
"W-Wala naman . . ."alanganing sagot ko na lang.
Ngunit bahagyang lumiit ang singkit niyang mga mata na tila sinusuri ako hanggang sa unti-unti siyang napangiti.
"Iniisip mo siguro iyong pagdalo mo mamaya sa pagtatanghal ni Linus, no?"
Namilog ang mga mata ko at natawa, "Hindi ah!"
Crap. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon.
"Sasama ba kayo sa akin?" tanong ko.
"Hindi na. Ikaw lang din naman ang inimbitan niya eh. Dito na lamang kami, hintayin ka namin hanggang sa makabalik ka," sambit niya habang nagtutupi ng damit.
"Saan?"
Sabay kaming napalingon ni Raksasa kay Bakunawa na bumangon mula sa pagkakahiga at nagkukusot ng mga mata. Gulong-gulo ang kaniyang buhok, nakababa na rin ang kanang bahagi ng kaniyang suot na hanfu robe, revealing half of his chest and arm.
"Oh, Ban, gising ka na pala," puna ni Raksasa.
Napakamot siya sa tiyan habang nakapikit parin ang isang mata dahil sa antok.
"Saan ka pupunta, Hemia?" tila paos na tanong niya sa akin na tila binalewala si Raksasa.
"Hindi ba't sinabi kong inimbitahan ako ni Linus sa pagtatanghal niya? Ngayong gabi na iyon, dadalo ako mamaya," sagot ko kaya napatigil siya sa kalagitnaan ng paghikab.
"Ano?" his brows knitted together.
Napaayos siya ng upo. Tila bigla siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig at tuluyang nagising ang diwa niya.
"Iyong si Linus, Ban. Iyong nagbigay ng rosas kay Hemia," nangingising paalala ni Raksasa.
"Iyong may walis tambong buhok?"
Nalaglag ang panga ko.
Napahalakhak si Raksasa, "Iyon nga."
"Bakit ka naman dadalo uli roon?" iritadong tanong niya pa sa akin.
"Baka bigyan niya uli ako ng rosas," kumibit-balikat ako saka tumayo.
Mas mabuti sigurong magbihis at mag-ayos na ako.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...