Chapter 42: The Choice

439 25 1
                                    

Chapter 42: The Choice

Bakunawa gave me a flower. A silly flower.

Kunot ang noo kong tinanggap ang gumamela habang halos magwala na ang puso ko sa aking dibdib.

"P-Para saan 'to?" tanong ko saka napatitig sa pulang gumamela.

Ano nga ba ang ibig sabihin no'n? Should I ask Raksasa later?

"Napulot ko lang," sambit niya at napakibit-balikat.

Napulot? Nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin ko sa gumamela at sa kaniya na pawisan parin.

Nang lumao'y dinukot ko ang panyo ko mula sa aking bulsa at ipinayuko siya ng bahagya sa akin para mapunasan ko ang mukha niya hanggang sa leeg.

"Bakit ka ba kasi pumunta rito? Wala namang mangyayaring masama. Aksidente ko lang sigurong nahila," sabi ko habang pinupunasan siya.

Parang bata talaga.

Nang makita kong nakatitig lang sa akin iyong mga bughaw niyang mata ay pakiramdam ko nasa lalamunan ko na iyong puso ko. Natigil ako sa pagpupunas at napatikhim.

"Eh hindi ba't sabi ko kapag kailangan mo ako, pupuntahan kita kaagad? Kanina pa ako naghihintay na kailanganin mo ako," ni walang kurap-kurap na saad niya.

Habang ako halos mabilaukan na sa sarili kong laway.

Kung ganoon, naghintay nga siya? Pero bakit?

"Nagustuhan mo ba?" bigla naman niyang tanong at umayos na ng tayo nang mapansing tapos na akong punasan siya.

"Ang alin? Itong gumamela?"

Tumango siya.

"Ayos lang. Oo," wala sa sarili kong sagot.

"Mabuti naman, dahil pinili ko pa iyong walang langgam," he said proudly and I almost laughed.

"Akala ko ba, napulot mo lang sa daan? Bakit may pagpiling naganap?"

Binasa niya ang labi niya at nagsimulang lumikot ang kaniyang mata, "Oo nga napulot ko nga."

Napapigil na lang ako ng ngiti.

"Anong ginawa niyo kanina?" tanong niya muli.

"Wala, kumain lang kami at nagkwentuhan," sagot ko.

Sandali, bakit ba parang nagpapaliwanag ako sa kaniya?

Nakita kong dumapo iyong mata niya sa rosas na hawak ko rin at tila nagbago ang timpla ng kaninang ngingit-ngiti niyang mukha.

"Binigyan ka niya uli ng rosas?"

"Oo."

"At hinalikan niya uli ang kamay mo?"

Hindi ako nakaimik. I mean yes, he did.
But I think it's just a courtesy, right? Like a greeting to a lady?

Nang hindi ako makasagot, napahinga siya ng malalim.

"Ang sabi sa akin ni Raksasa ay inaakit ka ng lalaking iyon," dagdag pa niya at gusto ko na siyang itulak dito sa tulay.

Anong inaakit?! Raksasa, ano bang pinagsasasabi mo sa dragong ito?

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi ako inaakit ni Linus!"

Siya naman ang nangunot ang noo, "Oo, inaakit ka niya!"

"Hindi! Magkaibigan lang kami!" giit ko at halos panindigan ako ng balahibo sa sobrang diin ng pagkakatitig niya sa akin.

"Magkaibigan? Ngunit ang sabi mo'y tinatangi ka niya!"

Halos isang minuto rin kaming tahimik na nagtitigan hanggang sa napabuntong hininga na lamang ako.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon