Chapter 61: Shattered Moonlight
"Tunay na kamangha-mangha talaga ang kakayahan ng matang iyan," kumento ng Emperador at prenteng pumangalumbaba sa kaniyang trono.
Humigpit naman kaagad ang pagkakahawak ko sa Einmaraw. Darn it, that one was a clone!
"Hemia, patawarin mo ako dahil hindi ko kaagad ito nadiskubre," Bigla kong narinig ang boses ni Babaylang Aginaya sa isip ko. "Ito'y sapagkat hindi ko inaakalang pinaghiwa-hiwalay ng Emperador ang kaniyang kamalayan sa bawat nilikha niyang kopya ng kaniyang sarili."
He can do that too?
"Ayos lang, Babaylan. Ilang kopya ba ng kaniyang sarili ang ginawa niya?" tanong ko.
"Lima. Ngunit apat na lamang ang natitira dahil sa iyong nagawa."
I gnawed my lips, "Kung ganoon, kaya mo bang tukuyin kung sino sa kanila ang totoo?"
"Tiyak akong kung sinuman ang kaharap niyo ni Bakunawa, hindi iyan ang totoong Emperador. Subalit kailangan ko pa ng kaunting oras. Bigyan niyo ako ng tatlong minuto."
Tatlong minuto . . . That seems short, but in this kind of situation, it's too long.
"Sige, tatlong minuto," sagot ko.
We just have to buy that much time.
"Batid kong nais niyo pang ituloy ito, ngunit kailangan ko ng ihanda ang entablado para sa aming pagtutunggali ng diyosa ng buwan," sambit ng Emperador at dahan-dahang tumayo, "Hindi na ako maaaring magsayang pa ng oras."
I slightly crouched down, my hand still on Einmaraw's hilt and ready to attack any time.
He then raised his hand as if he were controlling something.
Sabay kaming napatingala ni Bakunawa sa malaking butas na ginawa namin kanina sa bubong ng palasyo, at aming nasaksihan na nagsisimula ng kumalat ang itim na usok na nakabalot sa buong kapitolyo.
It's going to cover the whole empire. No, not just that, but the whole world!
"Bakunawa, isasagawa na natin ang ikalawang yugto ng plano," I muttered under my breath.
"Masusunod," seryoso naman niyang sagot.
Pinadaan ko ang aking dalawang daliri sa talim ng Einmaraw, embedding it more with dungan, then I let out a controlled breath.
"Hindi ba't nais mo pang kunin ang kanang mata ko? Kapag napa-sa'yo ito, mas malaki ang magiging tsansa na matalo mo si Mayari," pag-uudyok ko, "Sigurado ka bang palalagpasin mo ang pagkakataong ito, kamahalan?"
Natigilan naman siya at nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay.
"Tama ka, malaking tulong nga para sa akin iyon. Maraming salamat, munting Moon Keeper," aniya. I saw the familiar black sword materialized in his hand, "Ngunit mukhang wala kang balak ibigay ito ng kusa, hindi ba?"
Napangisi na lang ako.
"Kung ganoon, wala ring ibang paraan kung hindi daanin natin ito sa dahas." The smile slipped from his face and pure malice settled there.
The collection of long arms covered in black smoke appeared from the dark again and lashed at us all at once as he sprinted towards me.
Pero bago pa siya makalapit, he teleported on my side and swung his sword.
Maagap ko iyong naharang gamit ang Einmaraw, sending up a shower of sparks, while Bakunawa deflected every attacking arms going my direction.
My eye activated the gravity force, but he teleported again at my back, this time thrusting his sword only to be blocked by Bakunawa's water shield.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
Viễn tưởngWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...