Chapter 10: The Five Phases

524 36 0
                                    

Chapter 10: The Five Phases

Nanginginig ang mga kamao ko habang tuloy-tuloy sa pag-atake sa wooden dummy na nasa harapan ko, at tuwing iniisip ko na si Bakunawa 'yon ay mas bumibigat at lumalakas ang mga pinapakawalan kong atake.

Dalawang linggo. May dalawang linggo lang akong preparasyon para sa duwelo naming dalawa ni Liwa, at hindi ko ito puwedeng sayangin.

Bawat segundo at minuto ay mahalaga. This is my only chance. I have to get it back.

Sandali akong napatigil sa pag-atake sa wooden dummy at hinihingal na napahawak sa mga tuhod ko. Tagaktak ang pawis kong habang nakatitig sa mga paa ko.

Hindi ko mabilang kung ilang beses ng nagpaulit-ulit sa utak ko 'yong pangyayari kung saan nakita ko kung paano napailaw ni Liwa ang kwintas.

And when it happens, I feel like I can't breathe.

I really have to get it back.

Napaayos ako ng tayo at inilibot ko ang mga mata ko sa silid kung saan ako nagsasanay. Ngayon ko lang din mas napagtanto na napakalaki nga ng bahay ni Apolyo. May sarili siyang silid na ganito kung saan ay nandito na lahat ng mga bagay na kailangan mo sa pagsasanay.

Kasalukuyan niya itong pinahiram sa akin kaya naman ako lang ang mag-isang nandito at ni isa ay walang may balak na umistorbo sa akin.

Hindi ko alam kung nagsasanay din ba si Liwa ngayon, pero sila na ang bahala roon. Kailangan kong manalo. Even if I need to crawl on a mud if I have to, I will.

Hindi pupwedeng makuha ng iba ang nag-iisang kapangyarihang ipinamana sa akin ni Alpas. Not when it's an integral part for me to become stronger.

Umikot naman ang ulo ko palingon sa pintuan nang bigla 'yong bumukas at iniluwa nito ang pamilyar na babaeng nakasuot ng makulay na kimono. Nakapusod ng mataas ang buhok niya na mayroong mga bulaklaking palamuti.

May hawak-hawak din siyang tray ng mga pagkain at tsaa.

Siya 'yong isang babae na nasa tabi ni Bakunawa sa bulwagan, iyong babaeng taga-paypay!

"Ito na po ang pagkain niyo. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan pa kayo, ay. Ang pangalan ko po ay Eleya," mahinhing sabi niya.

Nagpasalamat naman ako sa kaniya at kinuha 'yong isang tasa ng tsaa.

"Sige po, mauuna na po muna ako, ay," paalam niya sa akin kaya tinanguan ko siya.

Akmang lalabas na siya nang biglang may pumasok sa isip ko kaya napatigil ako sa pag-inom ng tsaa, "Sandali lang."

Nilingon naman niya ako kaagad, "Ano po 'yon, ay?"

"Pwede mo ba akong samahan kahit sandali lang?" pakiusap ko na ikinakunot ng noo niya.

Pero hindi na siya nagsalita pa at muling isinarado iyong pinto.

Mahinhin siyang lumuhod sa harapan ko saka umupo. Ipinatong niya ang mga palad niya sa kaniyang hita at nginitian ako.

Napanganga na lang ako dahil sa matikas niyang paggalaw. Bigla tuloy akong napatingin sa paraan ng pag-upo ko. Both my legs were spread widely in an Indian sit.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon