Chapter 2: The Successor
A dragon?
Bakunawa . . . .?
I was rooted on the spot, the ice cold fear circulating in my veins as we watch how the world is slowly sinking into darkness.
No way this is happening.
The alcohol in my system was gone in instant and I'm so sober that I wished what I'm seeing right now is nothing but a fever dream.
Sinimulan kong sikuhin ang matandang lalaking nasa tabi ko habang hindi parin maalis ang aking mga mata sa langit.
"M-Manong . . . . ano nga uling mangyayari kapag nawala lahat ang buwan?" I muttered under my breath.
"K-katapusan na ng mundo," mahinang pag-uulit niya sa kaniyang sagot kanina.
"Kung ganoon, hindi ba't ito na ang oras upang magpakabayani ka at pigilan iyon?"
Sa pagkakataong ito'y hindi na siya umimik.
Kaya inis akong lumingon sa kaniya.
I was about to shout at him when I saw an unexpected expression written all over his face.
Fear.
"B-Bakit . . . .?" hindi makapaniwalang naiusal ko.
He's supposed to be strong. He's a hero. He's supposed to protect the world, right? Why is he looking like a cornered rat.
"Bakit ngayon pa?" he muttered to himself and clutched the severed rope in his neck, "H-Hindi pa ako namamatay. B-Bakit ngayon ka pa nagpakita . . . ?"
Nagngitngit ang mga ngipin ko at hinawakan ang kwelyo niya saka siya sinimulang alugin.
"Manong, gumising ka! Hindi ito ang oras upang masiraan ng bait!" sigaw ko ngunit tulala lang siyang napatitig sa akin at napaluha.
Dahan-dahan siyang napailing,"H-Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang talunin. Kung hindi natalo ng aking mga kapatid si Bakunawa, hindi ko rin ito matatalo."
Nanghihina kong binitawan ang kuwelyo niya at napayuko.
"Manong, ikaw lang ang may kakayahan upang matalo ang halimaw na iyon. Lahat ng mga Moon-Keeper ay itinaya nila ang kanilang buhay at namatay ng marangal. Pero ikaw . . ." I clenched my fists, "Kung ako lamang ang nagtataglay ng ganiyang lakas at kapangyarihan, hinding-hindi sasagi sa aking isip ang sumuko."
Nag-angat muli ako ng tingin at nakita ko siyang natigilan sa ekspresyon ng aking mukha.
"Meron kang angking lakas, ngunit bakit ayaw mo itong gamitin? Dahil natatakot ka?!" napaismid ako habang hindi makapaniwala, "Manong tandaan mo, may mas matindi pa sa takot, sa kamatayan at iyon ay ang mabuhay ng puno ng pagsisisi."
Nanlaki ang mga mata niyang umaapaw sa luha.
"Lubos mo naman sigurong naiintindihan ang ibig kong sabihin, hindi ba? Kaya kung mamamatay ka man, hindi ba't mas mabuti iyong mamatay ka ng may nagawa?"
Napayuko siya at maya't maya'y mahinang natawa sa sarili bago pinahiran ang kaniyang mga luha.
"Hindi ako makapaniwalang pinagsasabihan ako ng isang bata."
Nangunot ang noo ko at pinanood siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa.
"Anong pangalan mo, bata?" seryosong wika niya at bumaling sa langit na patuloy na natatakpan ni Bakunawa.
"H-ha? Hindi ito ang oras para makipagkilanlan! Si Bakunawa, kinakain na niya iyong huling buwan!" giit ko.
"Kaya nga sabihin mo sa akin ang iyong ngalan," may diin sa bawat mga salita niya.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...