Chapter 28: Immaterial Dimensions

387 17 0
                                    

Chapter 28: Immaterial Dimensions

"A-anong nangyari?" nanghihina kong tanong pagkatapos kong uminom ng napakaraming tubig.

Sobrang uhaw na uhaw ako na hindi ko maintindihan, but I knew that there's something changed inside of me.

"Nakita mo ba pareho ang itim at puting immateryal na dimensyon?" tanong ni Lawin sa akin kaya dahan-dahan akong tumango.

"Hindi ko maintindihan. Immateryal na dimensyon? Paano ako nakapunta roon?" sunod-sunod kong tanong.

He let out an exasperated sigh.

"Mayroon tayong tinatawag na apat na immateryal na dimensyon, Hemia. Ang mga dimensyong ito ay napupuntahan lamang ng mga malalakas na mandirigma. Hindi roon umiiral ang konsepto ng oras, ng nakaraan, kasalukuyan o hinaharap."

Nang makita niya ang naguguluhan kong ekspresyon ay napailing na lang siya at humalukipkip.

"Ang apat na aspeto ng isang magiting na mandirigma ay ang ang kaniyang katawan, kaluluwa, isip at paniniwala," pagpapatuloy niya, raising his four fingers infront of me.

"Ang iyong nakita kanina ay ang itim na dimensyon na siyang nagrerepresenta sa Yang, ang iyong katawan at ang puting dimensyon naman ay ang Ying, ang iyong kaluluwa. Makakapunta lamang dito ang mga mandirigmang nasa pagitan ng buhay at kamatayan," paliwanag niya kaya't natigilan ako.

"Pero hindi ba't ang sabi mo'y mayroong apat na immateryal na dimensyon? Ano-ano iyon? Kailangan ko rin bang mapuntahan ang mga iyon?"

Napangisi siya sa tanong ko, making me frown.

"Hindi biro ang nais mong mangyari," aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinuro niya ang kaniyang sentido, "Ang pulang immateryal na dimensyon ay kumakatawan sa isip. Maaari mo itong ikabaliw."

Ikabaliw?

Napahawak siya sa baba at napatitig sa lupa na tila nag-iisip, "Ang mga mandirigmang ginagamit ang kanilang poot ang madalas na naglalagi sa dimensyong iyon."

"S-sandali, poot ba kamo?!" Bulalas ko.

Napaiktad naman siya ng bahagya at nagtataka akong binalingan.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo?"

Kaagad kong naitikom ang aking bibig kasabay ng muling pagpasok ng naging labanan namin ni Tambanokano sa isla.

I couldn't remember it clearly, but it was as if the world was painted red at that time. The air was stale and I had this sudden surge of strength.

Is that the red immaterial dimension he's talking about?

"Hoy, Hemia. May nangyari ba?" nabalik lang ako sa kasalukuyan nang kalabitin ako ni Lawin.

"W-wala naman. Nais ko lang malaman kung talaga bang ikababaliw mo ang paggamit ng iyong poot upang mapalakas ang iyong dungan sa laban," nag-aalangang wika ko

"Maaari. Ngunit nakadepende parin iyon kung gaano katindi ang poot na nasa iyong puso," sagot naman niya, "Huwag mo na muna isipin ang mga iyon. Mas pagtuunan mo ng pansin kung anong mayroon ka ngayon."

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon