Chapter 44: The Guide

463 28 2
                                    

Chapter 44: The Guide

Lumangitngit ang pinto pabukas at iniluwa nito sila Raksasa at Sho.

May pinag-uusapan sila tungkol sa kapitolyo nang matigil sila at mapatingin sa akin na nakaupo sa gilid ng kama habang yakap-yakap ko ang aking mga binti.

"H-Hemia? Ayos ka lang? Anong nangyari?" bakas ang pag-aalala sa tono ng boses ni Raksasa. He glanced at the wall with few cracks on it before walking towards me.

"Hemia, ano bang nangyari? Akala ko ba pupunta ka sa bahay-aliwan?" Sunod-sunod niyang tanong saka muling napalinga-linga sa paligid, "Nasaan si Ban?"

Napaiktad ako at pumikit.

"Wala na siya."

"Ano?!"

Itinulak ko ang sarili ko patayo at lumapit sa napigtal kong kwintas. Pinulot ko iyon at sandaling pinakatitigan.

"Anong ibig mong sabihing wala na si Ban? Saan siya pumunta?" naguguluhang tanong ni Raksasa.

"Hindi na siya sasama sa atin, Raksasa," mariin kong saad bago ko ibinulsa ang kwintas ko. Pinulot ko na rin ang Einmaraw at ibinalik ito sa lagayan nito.

Nilingon ko siya pagkatapos at natigilan ako nang makita ang seryosong mukha nilang dalawa ni Sho.

"Nasaan si Bakunawa? Susundan ko siya," wika ni Sho sa akin.

Ngunit sa halip na sagutin siya ay napahilot na lamang ako sa gitna ng mga mata ko at nagpakawala ng marahas na hininga.

"Hemia, sabihin mo sa amin. Ano ba talagang nangyari?" Raksasa persisted.

Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi sinimulan kong ikuwento sa kanila ang mga nangyari. Ang tungkol sa ritwal ng Mapanaguli, si Babaylang Aginaya pati ang naging away namin ni Bakunawa.

And while I was telling them, the looks of Tala, Juro and Yushui that night flashed before my eyes. Their agony, their screams echoed in my mind, the blood, the smell of the candles, and the smoke that rises after every one of them dies.

Naikuyom ko ang mga palad ko at natulala.

"Hemia . . . .?" naramdaman ko ang paghawak ni Raksasa sa balikat ko.

Hindi ko alam kung nagkita na ba sila Bakunawa at Babaylang Aginaya ngayon. Hindi ko alam kung nagsisimula na ba ang ritwal. But if that happens, Bakunawa will go through that same hell we had that night. And that is because of me.

Nanghihina akong bumagsak sa sahig.

I was so mad at Babaylang Aginaya and here I am, becoming like her. Doing the same ruthless thing that she did twelve years ago for something I could no longer have, because I couldn't escape from the shackles of the past.

Is this really what I want?

Kung ganoon, para saan lahat ng ginawa ko noong nakaraang mga buwan? What about the goal I was chasing? The people that I met? Dahil lang ba magkakaroon ako ng pagkakataon upang makabalik sa nakaraan, tatalikuran ko na ang kasalukuyan at hinaharap?

Will Tala, Juro and Yushui be happy reuniting with me knowing that I did the same ritual that took their lives?

Tears gathered in the corners of my eyes and my vision blurred because of the thought.

Ano naman ngayon kung papatayin ako ni Bakunawa? When did I ever fear my own death? I was always fine about dying, however I promised myself that I will die fighting.

But I didn't fight at all. I dodged.

Gusto kong matawa sa sarili ko. When did I become this lame?

Raksasa squatted in front of me and I saw his worried face.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon