Chapter 32: The Mad Emperor
Iminulat ko ang mga mata ko saka marahang humiwalay sa kaniya.
Ngunit nang makita ko ang nanlalaking mga mata niya dahil sa pagkabigla ay nag-init ang mga pisngi ko at parang gusto ko na lang matamaan ng kidlat.
Parang nanigas ang leeg ko at hindi ko iyon maigalaw para lingunin ang reaksyon ng mga tao, lalo na ang reaksyon ng Emperador at ang kaniyang pamilya.
No, calm down, Hemia. We're still in the middle of a battle.
Napakurap kurap si Bakunawa.
"A-anong . . . .? Bakit . . .?" narinig ko ang namamaos na boses niya na naguguluhan parin.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
"G-gantimpala. Isang gantimpala dahil nagpakabait ka, hindi ba't sinabi ko sa'yo na sa bawat sinusunod mo ang aking utos, bibigyan kita ng gantimpala?" I started spewing lies and widen my forced smile, hoping I don't look someone who's about to take a dump.
Bakunawa, makisakay ka na lang.
"Gantimpala?"
Muntik na akong mapatampal sa noo ko.
Napayuko ako at tumango habang parang sasabog na ang pisngi ko, "Oo, h-hindi mo ba nagustuhan?"
Hindi siya umimik.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay wala ng bakas ng pagkagulat sa mukha niya. He looks serious.
"Ulitin mo," usal niya.
"H-ha?" My lips parted.
What is he talking about?!
Hinatak niya pababa ang telang nakatakip sa labi niya at tuluyang nanlaki ang mga mata ko.
"Kung bibigyan mo ako ng gantimpala, sana naman ayusin mo iyong pagbigay," aniya pa, "Iyong walang balot."
Hindi na ako nakagalaw pa nang mabilis niyang kabigin ang batok ko papalapit sa kaniya at siniil ng mainit na halik ang labi ko.
For a moment it was as if I forgot I was a human and turned into a stone.
Pakiramdam ko, tila sasabog ang puso ko.
Did he just do what I think he did?
I felt how his fingers curled around my nape, at habang tumatagal ay mas dumidiin iyon ng dumidiin kasabay ng paglalim ng halik niya, kaya kusang pumikit na lamang muli ang mga mata ko at dinama ang malambot niyang labi, taking in every sensation, capturing it, and never wanting to forget how addictively he invaded all my senses. Nakakahumaling. Nakakapanghina.
His tongue tangled with mine in a slow, soothing cadence, hitting every nerve, each stroke healing every ache. The taste of him sent a buzz through
my bloodstream, making me dizzy and drunk on him.Tuluyan kong nabitawan ang Einmaraw at napakapit sa balikat niya para sa suporta dahil pakiramdam ko ilang sandali pa'y matutunaw na ako.
Dumausdos ang palad ko paibaba sa dibdib niya at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. It felt so good. So damn good that I don't want it to end. I don't want to let go.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasíaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...