Chapter 49: Sinister News
My head was pounding upon waking up and I suppressed the urge to vomit. I had this familiar feeling before. It is when I woke up after we were attacked by the capitol knights in the sea and I almost lost all of my dungan in my body.
Dahan-dahan akong bumangon habang hawak ang ulo ko. Ilang beses akong napakurap-kurap hanggang sa tuluyang luminaw sa aking pandinig ang boses ng mga taong nag-uusap.
Mabilis akong napatingin sa paligid at doon ko napagtanto na nakahiga ako sa loob ng isang malaking tent na gawa sa kulay abong tela. Nakita ko ang napakarami at hile-hilerang taong nakahiga. Most of them are wounded, bandaged, and some are in critical condition and being taken care of.
Was this the result of Iresha?
Hinagap ng mga mata ko ang Einmaraw at nang makita ko itong nasa tabi ko ay mabilis pa sa alas kwatrong dinampot ko iyon.
Bahagya kong inilabas ito mula sa lagayan at nahuli ko ang sariling repleksyon mula sa talim nito.
One of my pupils wasn't white as the silver moon---just like how Raksasa described it. It was back to its normal color. But the whites of my eyes were bloodshot, full of angry veins thick and sprawling like cobwebs.
I also noticed the bandages wrapped around my head and the wound on my left arm.
Napabuntong hininga na lang ako, saka ibinalik uli ang espada sa lagayan nito.
That's when memories seeped slowly into the forefront of my mind until a sick feeling pooled in my gut as thoughts formed into questions.
"Bakunawa . . .?" mahinang usal ko.
Like a spring, I stood up. Ang ilan pang mga taong malapit sa akin ay napatingin sa direksyon ko sa pagkabigla. Akmang maglalakad na ako palabas sa tent nang makita ko sila Raksasa at Sho na kakapasok lang.
Nagdugtong kaagad ang mga tingin namin.
They're are also both seemed to be tended with visibly wrapped bandages on them.
"Hemia, sa wakas nagising ka na. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" dali-dali akong nilapitan ni Raksasa habang nakasunod si Sho sa likuran niya na may madilim na ekspresyon.
"A--Anong nangyari? Gaano ako katagal nawalan ng malay?" sunod-sunod kong tanong sa halip na sagutin siya.
"Kahapon ka pa walang malay. Nabigla kami dahil nang bumalik si Ban, buhat-buhat ka niya at malubha ang iyong lagay dahil sa kakulangan mo ng dungan," pagpapaliwanag niya.
So he did carry me back?
"Pero, Hemia. Kailangan nating magmadali. Pabalik na rito si Heneral Jetora mula sa kapitolyo, ang nakatalagang heneral ng probinsyang ito. Nalaman niya yata ang nangyaring gulo noong isang gabi. Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito bago pa niya tayo maabutan," sambit pa niya.
"Base rin sa aking napagtanungan, hindi naging maayos ang huling negosasyon sa pagitan ng Lakansorang at ng Berbanaya, kaya malaki ang tsansa na anumang oras ay lulusob na sila rito sa imperyo," pahayag ni Sho.
Natigilan na lang ako at napatitig sa lupa.
A huge war is coming and it seems like no one can stop or delay it any longer. The Emperor and his generals are preparing for it. As much as possible, ayokong masangkot doon at pagtuunan na lang ng pansin ang paghahanap sa mga Moon-Eater. Isa pa, nais ko ring mahanap muli si Babaylang Aginaya.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...