Chapter 43: Rapture

449 24 1
                                    

Chapter 43: Rapture

The room was silent, but we could hear the lively noise of people outside the inn, completely ignorant of what is happening here.

"Bakunawa . . ." I blinked, completely bewildered.

The thick air swirled around us as we both breathed deep, our foreheads resting on each other and our chests rising in sync.

"Bakit bigla mo itong sinasabi sa akin? Dahil ba sa mortal na lalaking iyon? Talaga bang nagsawa ka na sa akin? Pagmamay-ari mo na rin ba siya? Kaya itatapon mo na ako?" he said through gritted teeth to every question. Mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"A-Ano bang sinasabi mo? Labas si Linus dito, huwag kang mandamay ng inosenteng ta---"

"At ngayon ipinagtatanggol mo na rin siya?" pagpuputol niya.

I could feel his weight on top of me growing heavier and it was getting harder to breathe.

"Bakunawa, hindi ko siya pinagtatanggol! Umalis ka nga sa ibabaw ko! Ano bang nangyayari sa'yo?!" inis kong asik at nagsisimulang ipunin ang aking dungan sa mga kamay ko upang makawala sa kaniya.

Pero bigla niyang iniyuko ang ulo niya sa leeg ko at isiniksik ang mukha roon. Halos mapigtal ang aking paghinga. My concentration in gathering my dungan got shattered.

"Iyon nga ang nais kong malaman. Hemia, ano bang nangyayari sa akin?" he breathed, his tone struggled in a wave of emotion.

Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. This time, my mouth really did fall open.

"Ano bang ginagawa mo sa akin? Nasisiraan na yata ako ng bait," dagdag pa niya.

His voice tickled my neck. His tone tickled my heart. His words tickled my damn soul. And before I knew it, Bakunawa's lips brushed over my ear before trailing kisses across my face, to my cheeks, to my eye, my forehead down to my nose, then he stopped before his lips could even touch mine.

Binitawan niya ang isang kamay ko. I felt his fingers ran up the side of my head and I fought the urge to close my eyes because of the sensation.

"Bakunawa, ano bang . . . . ginagawa mo?" nahihirapang sambit ko habang nakatitig sa labi niya kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Dahil doon, tila natauhan siya at napapikit ng mariin.

Umusal siya ng malutong na mura at bahagyang napalayo mula sa aking labi. Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya.

This is it. My only chance. This is the perfect timing to do it. Dahil kapag dumating na sila Raksasa, hindi ko na ito magagawa pa.

Tila nag-init ang punyal sa aking bulsa.

I have to do it, so Tala, Juro and Yushui can live. Hemia, you have to move. Get the goddamn dagger.

Pigil-pigil ang hininga kong inabot ang punyal sa aking bulsa habang nakatitig sa mukha ni Bakunawa. Both of his eyes are clenched close, his brows furrowed together as his breathing slowed.

Ngunit nang mahawakan ko ang punyal ay tila nanigas ang aking kamay sa loob ng aking bulsa.

Can I really do this?

Habang pinapanood ko ang mukha niya hindi ko mapigilang isipin lahat ng mga pinagdaanan namin upang makarating dito. Kahit na magkaaway kami, he stood beside me and never broke his promise. Oo, nakakainis siya. He thinks too highly of himself, at ang hirap-hirap niyang pakisamahan.

Pero ilang beses niyang itinaya ang buhay niya para sa akin. Tambanokano said that Bakunawa despised humans, but he trusted me with his life. He ate that poison. He waited for me in that dark palace prison cell. He gave me a replica of Eleya's gift, knowing that I treasured it. He gave me a silly flower. This bastard . . . . he's the worst.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon