Chapter 51: Defanged
"Bago pa ang mga yapak na ito. Hindi pa sila gaano nakalalayo. Mukhang nahuli lamang tayo ng isa o dalawang araw," malamig ang tonong sambit ko habang sinusuri ang mga yapak ng sapatos.
Tumayo ako muli at tinignan silang tatlo.
Napansin ko si Raksasa na blangko ang mukha at nakatulala lang sa kawalan. I could see that even he's with us, he's not really here.
He just lost his home again. Of course, he will feel the raw numbness in his chest. Because I once felt that too. The feeling when the sunrise would remind me I was not physically dead when I wished so badly I was.
No words could ever describe that pain.
Pagkatapos ng mga nakita namin sa Manululsul, binalikan namin ang mga kabayo namin, at ngayon nga ay sinusuri ko ang mga naiwan na bakas ng mga kawal ng Berbanaya.
Kung anuman iyong pighati na aking naramdaman kanina ay unti-unting nagiging poot. That is why I have to do something or else I will explode.
Nilapitan ko si Raksasa at ipinatong ko ang palad ko sa balikat niya. He didn't flinched. Ni tila hindi niya iyon naramdaman. Tumagos lamang ang mga mata niya sa akin. For the nth time, that breaks my heart.
"Raksasa," pagtawag ko sa kaniya, "Susundan natin sila," mariing wika ko. But he remained motionless and stone cold.
I clenched my eyes closed and took in a shaky breath, "Naririnig mo ba ako? Susundan natin ang mga demonyong iyon at pagbabayarin natin sila sa ginawa nila. Lalaban tayo."
"Sigurado ka ba riyan, Hemia?" tanong naman ni Sho, kaya napabaling ako sa kaniya.
"Nararapat siguro kung hindi tayo magpapadala sa ating galit. Dahil nahihinuha kong hindi ordinaryong mga tao ang pumatay sa kanilang lahat."
"Anong ibig mong sabihing hindi mga ordinaryong tao?" tanong ko.
"Sa paraan ng kanilang pagpatay, bukod sa mukhang ginawa nila iyon bilang katuwaan, hindi mapagkakaila na karamihan ng mga tao sa Manululsul ay marunong kontrolin ang kanilang dungan."
He's right. The people of Manululsul are known for their fighting skills and ferocity. In addition to that, the province of Manululsul was easy to defend and tremendously difficult to attack, because of its massive mountain range. Kaya hindi ko talaga lubos mawari kung paano sila natalo ng ganoon kabilis, and without even a single survivor.
"Ang gusto mo bang sabihin ay ang mga taga-Berbanaya na sumalakay sa Manululsul ay maaaring mga taong naabot ang ikaapat o higit pang sikwensya?"
Napatango siya.
Nagtagis ang aking ngipin. That's the only possible answer.
Isa pa, kung totoo man iyon. Isang napakaperpektong tsansa ang ginawa nilang pag-atake sa Manululsul upang makamit ang ikatlong sikwensya. They had massacred Manululsul for the simple reason that they did not think of them as humans and they had fun doing it.
Kahit na ipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko parin lahat ng karumal-dumal na sinapit ng Manululsul sa aking isipan. And my blood boils for them.
Isang hukbo ng mga kawal ang Berbanaya na nakakamit ng matataas na sikwensya, huh? Talagang naghanda sila sa digmaang ito.
And here I am when I can't even control Alpas' power yet. But whether we like it or not, we will have to fight stronger enemies from now on. Isama mo pa ang paghahanap sa mga Moon-Eaters.
That's more reason why I got to be stronger. Way stronger.
The Berbanayans probably are marching inward the empire right now. It could be towards the Capitol, or one of the seven provinces.
BINABASA MO ANG
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...