Chapter 40: Confrontation

430 18 0
                                    

Chapter 40: Confrontation

Ilang beses kong hiniling na kung magugunaw man ang mundo, sana ngayong gabi na ito mangyari.

I stared at the huge full moon in the sky with my lifeless eyes as I walk aimlessly. The cold night air spread across my skin giving me a slight shiver.

Bakit ganoon? Tila tumigil ang oras para sa akin, ngunit tuwing tumitingin ako sa paligid, patuloy lang sa pag-ikot ang mundo.

Nagmistula akong multo na walang nakakapansin.

Hindi ko alam kung bakit ako pa ang natira sa aming apat. Hindi ko mawari kung bakit nakaligtas ako. Dapat pala ay hinayaan ko na lang din ang sarili kong namatay kasama sila.

Dahil kung mawala man ang isang katulad ko sa mundong ito ngayon, wala naman ng maghahanap sa akin. Wala ng iiyak.

Dahil iyong mga taong mahal ko wala na.

You really wouldn't know what it was like to be alone until you didn't have people who could or would notice if you went missing.

Every time I close my eyes, I could hear Tala's laughter, Juro's mocking jokes and Yushui's comforting words. Hanggang sa masusundan iyon ng kung paano sila sunod-sunod na namatay sa harapan ko.

Magigising na lang akong naghahabol ng hininga at tulalang mapapaluha. Then I will seek death. Every single time.

They do say that just like eyes, our hearts have a way of adjusting to the dark.

Pero tuwing iniisip kong magpakamatay, tila naririnig ko sila na pinipigilan ako. Dahil pakiramdam ko, kapag pinatay ko ang sarili ko hindi ko sila mahaharap ng maayos sa kabilang buhay. They did their best to hold onto their lives that night, tapos akong nakaligtas ay magpapakamatay lamang. Guilt filled me up, and I can't do it.

Weeks, turned into months then eventually a year, wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglakbay mula sa iba't ibang nayon kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.

I have no goal in my mind. Bumalik ako sa dating buhay naming apat bago kami kinupkop ni Babaylang Aginaya.

Namalimos ako, kumain ng kung anumang mahanap ko sa paligid. I was thinking that my body will soon give up and death will finally take me. It's not like I have a choice, right? Siguro naman sapat na iyong dahilan. I tried everything to survive up until now.

Or did I?

Ngunit pinagkaitan nga yata talaga ako ng mga dyos at dyosa, dahil isang gabi, nagtagpo kami ni Alpas.

He's the Seventh Moon-Keeper.

Noong gabing iyon, kaagad kong nakita ang sarili ko sa kaniya. Noong una'y naiinggit ako dahil kayang-kaya niyang magpakamatay ng walang iniisip. Hanggang sa nagsimula akong mainis sapagkat kahit na mayroon siyang taglay na lakas ay hindi niya ito ginagamit ng maayos.

I told him things about regrets and taking his own life being stupid, pero ang totoo'y iyon ang mga bagay na gusto kong marinig mula sa ibang tao.

Just like that, I was suddenly given a heavy responsibility.

Masyado akong nabigla. Isang taon akong nabuhay ng tila walang patutunguhan, but Alpas gave me a reason to continue living. I was stagnant. I was in the middle of life and death, but he pushed me to live by stupidly making me his successor.

It was as if time started running again for me, and bit by bit I became stronger, met new other people and I was beginning to feel life again.

Pero tunay na malupit ang mundo, dahil ngayon ay muli akong ginagambala ng nakaraan. Tila pinapaalala sa akin na kahit na anong gawin ko, hinding-hindi ko iyon matatakasan.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon