=Aicclie's POV=
Natapos na ang one week. Malas lang ng schedule ko dahil Linggo lang ang pahinga ko samantalang yung kapatid ko, three days lang ang pasok.
Well si Neil, kaklase ko sya sa lahat ng subject. Meaning, parehas kami ng schedule. Di ko sya kinakausap, pake ko sa kanya (-_-)
Nandoon naman si Hara at Zharm lagi at dahil si Mikhail, kaparehas nya ata ng schedule si Jodyn kaya inis na inis.
Yung kapatid ko, kaparehas nya lahat ng schedule nung barkada namin na kasingtanda nya including Eunice. Kaya kapag umuuwi, hindi na namin nakakausap nila Daddy dahil sa sobrang kaadikan kay Eunice.
Tapos yung mga second year college na kabarkada namin, pare-parehas din ng schedule. Kaming third year lang ang iba-iba kainis -_-
Dahil Lunes na naman ngayon, pasok ulit.Buti na lang kasama ko kapatid ko ulit.
Pagkababa ko, nakita ko si Mommy and Daddy na magkausap. Niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi.
"Si Chleo po?"
"Kanina pa umalis, mukhang good mood eh"
I rolled my eyes.
"Sila Hara po, hindi po dumaan dito?"
"Ewan ko lang pero mukhang ihahatid ng Tito Dayne mo sila Zharm at Mikhail eh. Si Hara naman, second subject na daw makakapasok"
So meaning I don't have any option kundi gamitin yung kotse ni Daddy.
"So gagamitin ko po yung kotse nyo?"
"Hindi, wala tayong kotse, nasa pagawaan pa dahil yung magaling mong Mommy winarak", sabi ni Daddy. Nagpeace sign naman si Mommy at hinalikan si Daddy. I rolled my eyes.
"So ano ang option ko ngayon?"
"Depende sayo baby", sabi ni Mommy.
Lumabas na ako ng bahay dahil naiirita na talaga ako. Kung hindi lang umalis yung kapatid ko ng maaga eh T^T Magpapabili na talaga ako ng kotse kila Lola!
Naglakad na ako papalabas ng subdivision. Malas lang dahil maraming pasikot-sikot dito at medyo dulo din kami.
Wala namang pedicab or tricycle na dumadaan dito.
Buti na lang at maaga akong umalis at alam kong hindi ako mahuhuli sa klase.
Naglagay ako ng earphone para hindi naman ako ganong mabored. Pumikit ako sandali dahil feeling ko may sumusunod sa akin.
Binilisan ko yung lakad pero feeling ko sinusundan ako nung nasa likod ko. Huminto ako at nabangga ko sya.
"Aray naman!"
Lumingon ako. And guess who? Yung Neil lang naman na asungot.
"Bakit ka ba tumitigil agad?"
"Pake mo ba? Mukha ka kasing sanggano"
Naglakad na ulit ako at mukhang makakasabay ko pa itong lalaking to.
Humarap ako bigla sa kanya at nagulat na naman. Psh -_-
"Bakit bigla ka na lang haharap?"
"Kanina ayaw mong hihinto ako ngayon naman ayaw mong humarap ako. Lakas lang ng sapak mo?"
"Manahimik ka nga. Male-late pa tayo parehas kapag hindi ka tumigil sa kakapilosopo mo sa akin"
"Wala ka bang kotse?"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER