=Aicclie's POV=
Pagkadating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko. Feeling ko kasi nanariwa lahat ng sugat ko. If you know what I mean? Maraming mga tao ang akala malakas na ako pero mali sila, parang konting hangin lang eh tutumba na ako.
Minsan naiisip ko, nagiging OA na ba ako para magalit dahil sa lagi akong ipinapahiya ni Jodyn dati pero naisip ko, hindi ba nakakasakit yun dahil dati, sa araw-araw na ginawa ng Diyos nang mga araw na iyon, feeling ko bumababa yung self-esteem ko. Nakakababa ng pagtingin dahil sa tingin ko, ang bababa na ng pagtingin sa akin ng mga tao sa paligid ko.
Hindi naman sa naghihiganti ako pero gusto ko lang naman ipakita sa tao na kaya kong lumaban. Na hindi ako isang babaeng talunan na lagi na lang iiyak.
Pero ngayon, alam ba nila kung ano ang tunay kong nararamdaman? Sa tuwing naalala ko lahat, nanghihina ako at feeling ko lahat ng nangyari sa akin noong 1st year college ako ay bumabalik.
"Ate?" Chleo na alam kong sya ang kumakatok sa kwarto ko.
"Come in", sabi ko sabay punas ng luha sa mata ko at tinakpan na lang ng libro yung mukha ko. Alam kong naaawa sa akin yung kapatid ko.
"Ate? Kailan ka pa natutong magbasa ng English na book pero Arabic mo binabasa?"
Napatingin ako. Baligtad yung libro na nakatakip sa mukha ko. Binaligtad ko kaagad para di nya mahalata.
"Ate, buong araw ka nang umiiyak at buong araw na din akong nagpipigil ng luha"
Mas lalo akong naiyak. Yung kapatid ko, alam kong nahihirapan na din sya.
"S-sorry C-Chley. S-sorry kung p-pinapahirapan ka n-ni Ate"
Tinanggal nya yung libro na nakatakip sa mukha ko.
"Hindi Ate, kahit kailan hindi ko naisip na pinahirapan mo ako. Natural Ate kita at babae ka. Gusto kong protektahan ka para naman may maipagmalaki ako. Ate, kayo ang pinakamalakas at pinakamabait na babaeng nakilala ko. Parehas kayo ni Mommy"
Buti na lang at mabait yung kapatid ko. Close talaga kasi kami since bata pa lang. Kaya nga kabisado ko na sya at kabisado nya na ako.
"Chleo..."
Niyakap nya ako at naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo. Ganyan kabait yung kapatid ko. Parang sya nga yung tunay kong boyfriend eh.
"Wag ka nang umiyak, kalimutan mo na ang lahat. Kung bubuhayin mo yung sarili mo sa nakaraan, eh di hindi mo na matutuklas yung susunod na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo na lang Ate na isa na lang aral yon para malaman mo kung sino ka ba talaga"
Mas niyakap ko pa sya lalo. Si Chleo lang lagi nakakakita sa akin kung pano ko umiyak. Sila Mommy and Daddy kasi, karaniwan tinataguan ko kapag iiyak ako. Dalawa lang naman ang dahilan ng pag-iyak ko eh. Una, kapag naaalala ko yung pangyayaring iyon at pangalawa, dahil kay Mikhail.
"Matulog ka na Ate, wag ka nang magpuyat. May pasok ka pa bukas. Ihahatid na lang kita at baka mamaya tuliro ka sa daan at mabangga ka pa ng di oras. Ayaw ko pang mawalan ng Ate"
Humiga na ako sa kama ko at kinumutan nya ako.
"Dito ka lang muna Chley"
"Eto na naman tayo. Oo na! Dito lang ako, di kita iiwan hanggang sa makatulog ka"
Pumikit na ako at naramdaman ko na may humiga sa tabi ko.
"Tabi ulit tayo Te ha!"
Sino pa nga ba?
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER