=Aicclie's POV=
(Timeline: September 06, ****)
It's already September at what the fvck! Iniiwasan ako ni Neil tapos nakikita ko sya na laging may pasa sa mukha o kaya laging may sugat ang kamay.
"Aicclie!"
Napalingon ako sa tumawag at si Eunice yun. Pagod na pagod sya at nahawakan nya yung tuhod nya sa sobrang pagod.
"Problem?"
"Si Neil!"
Napakunot yung noo ko. Wala si Zharm at Mikhail ngayon dahil pumunta sa grandparents nila sa Cavite at si Hara naman, kasama na naman sa outing ng kalive-in nya. Tapos na kasi ang shooting nila kaya balik-eskwela na sila.
"Nakikipagsapakan, di namin maawat!"
"Asan sya?"
"Sa tapat ng Student Government's office"
Naglakad lang kami papunta doon dahil alam kong pagod sya at agaw-eksena nga sya dahil nakahawak sa kaliwang paa nya si Zeck at si Zecky naman sa kanan. Si Chley naman nakahawak sa kaliwa nyang kamay at si Yvan sa kanan. Tapos sa leeg nakapulupot yung kamay ni Mike. Tapos si Jell at Nick sa bewang sila parehas. Bali parang octopus si Neil.
Sumingit ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Nakita ko yung mga kaibigan kong babae na mukhang nag-aalala na. Humarap ako kila Neil at nakita kong naging cold ang aura nya.
"Alam nyo, yung hawak nyo sa lalaking yan para syang nasasapian. Bitawan nyo nga sya"
"Kapag binitawan namin to, eh di maghahasik na naman to ng lagim", sabi ni Zeck.
"Oo nga! Masakit masipa at masuntok ha!", sabi ni Zecky.
"Sinabi ko naman kasi sa inyo, pakawalan nyo na ako. Kalmado na ako", sabi ni Neil.
"See? Kalmado na daw sya, bitawan nyo na", sabi ko.
"Pero Aicclie—"
"SABI KO PAKAWALAN NYO SYA!"
Natahimik naman lahat bigla ng mga estudyante. Di na ba sila nasanay kung gano ako kalakas sumigaw? -3-
Binitawan naman nung mga lalaki at nakita ko si Neil na hinimas yung kamao nya at pinunasan nya yung gilid ng labi nya na may dugo.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!"
High pitch again. Kapag galit talaga ako, hindi ko kayang hinaan yung boses ko.
"Ikaw. Kaya kung ako sayo, lumayas ka na dyan"
"YOU'RE BEING COLD! ANO BANG PROBLEMA MO TALAGA HA!"
"Di mo ba ako naintindihan ha? Tanga ka na ba talaga ha?"
Sa sobrang inis ko, natulak ko sya nang malakas kaya napasandal sya sa pader.
"HINDI MO BA NARIRINIG YANG SARILI MO HA?! FVCK NEIL! DI KO ALAM KUNG ANONG PROBLEMA MO!"
"Di mo talaga ako maiintindihan kasi tanga ka. Wala kang pakialam sa ibang tao at tanging sarili mo lang ang iniisip mo at yung isang tao na akala mo eh napaka-espesyal sayo"
Nag-init yung ulo ko kaya aamba na sana ako ng suntok nang pigilin ako nung mga lalaki.
"Aicclie! Kumalma ka!", sabay-sabay nilang sabi. Tumango ako at tumalikod na. Nung naramdaman kong hindi na sila nakahawak sa akin eh humarap ulit ako saka ko sinipa sa 'ibaba' si Neil tsaka sinuntok agad sa mukha.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER