=Aicclie's POV=
Kumakain kami ni Neil sa ice cream parlor nang biglang nag-vibrate yung phone ko.
From: Sheila
'Aicclie, pwede bang bumalik ka dito sa school. Si Mikhail nasa clinic. Natagpuan kasing nakahandusay sa rooftop. Dinala lang dito ng mga guards eh. Salamat :)'
Napakunot naman yung noo ko.
"Problem?"
"Read this", sabi ko at tinapat sa kanya yung phone ko. Napakunot din yung noo nya.
"So, let's go?"
Tumango ako. Dinala na lang namin yung ice cream namin. Pumunta kami doon na naglakad lang. Naka-cling yung kamay ko sa braso nya. Ang tangkad ni Neil actually.
Pagpasok namin sa university, tumuloy na kami sa clinic. Mamaya kasi eh kung napano na yung lalaking yon.
Pagkapasok namin, si Sheila, binabantayan si Mikhail.
"Shiel"
Humarap naman sya.
"Can we talk Aicclie?"
Tinignan ko si Neil at tumango lang sya.
"Ako na muna magbabantay kay Mikhail", sabi nya. Tumuloy kami sa terrace ng clinic.
"Problem?"
"Aicclie, nagd-doubt lang ako. Sa tingin ko kasi, ikaw yung gusto ni Mikhail?"
Tinignan ko sya.
"How'd you say so?"
"Ah... Kasi... Ano... Di ba kasi... Ang close nyo?"
"Yeah we're close but I know his feelings, hindi ako kasali doon. Never nya akong magugustuhan at naiintindihan ko yon. May Neil na ako. At isa pa Sheil, I think this is the right time para malaman mo"
"Ang alin?"
"Mikhail loves Zhymmie... More than a cousin"
Nanlaki naman yung mata nya.
"S-seryoso?"
Tumango ako.
"Well, actually Zharm told me about that. Umamin daw si Mikhail sa kanya and you know, pati daw sya nahihiya sayo"
"Pero di ba? Bawal yon?"
Tumango-tango ako. Naramdaman ko na umiiyak si Sheila.
"Hey, hey, hey! Bakit ka umiiyak?"
"Kasi napagtanto ko na.
.
.
niloko nya lang pala ako"
Nilapitan ko sya and I tapped her back.
"Don't judge him. Hindi ka nya niloko"
"Eh ano? Bakit sya nakipag-break? Kasi hindi nya ako mahal?"
"Mahal ka nya pero siguro, he's just confused"
"Kung confused sya, bakit kailangan nya agad akong ligawan?"
"Kasi siguro alam nya na malaki ang posibilidad na sagutin mo sya"
"So it's just a show? I'm just a choice? Ganon ba Aicclie?"
"Hindi ganon Sheila. Siguro nagmadali lang sya"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER