(A/N: Long UD to guyth~ ^^)
=Aicclie's POV=
Kumakain kami habang hinihintay na banlawan yung buhok namin. Nakakaloka. Mas matagal pala kapag full na buhok yung pakukulayan.
"Inaantok ako", sabi ni Zhymmie.
"Ako din", sagot ni Hara.
"Okay na mga Madam. Rinsing time na"
Ngumiti kami at tumayo na.
Pagkatapos ay pinatuyo yung buhok namin at nilagyan kami ng blindfold.
"Grabe, kailangan surprise", sabi ni Sheila.
Dinala na nila kami sa kung saan at tinanggal yung blindfold. Nakapikit pa din ako kasi di ko alam kung ano itsura ko eh.
"ANG GANDA MO ATE AICCLIE!", sigaw ni Jemillie at Eunice. Kilala ko boses nila. Naramdaman ko na niyakap nila ako. Napangiwi naman ako.
"Bakit kasi ayaw mo pang buksan yung mata mo?", tanong ni Yyrissa.
Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko at nanlaki yung mata ko. Mukha akong si Alice ng Alice in Wonderland.
"ANG GANDA MO ATE!"
Tinignan ko sila, bagay din naman. Si Eunice, ang cute cute tapos si Jemillie, parang si Goldilocks.
Tinignan ko yung wrist watch ko. 4 na pala ng hapon.
"Balik na tayong ospital, baka hinahanap na tayo nung mga mokong"
PAGKADATING namin, pinagtitinginan kami. Ano, artista? -_-
"Artista na tayo!", sabi ni Hara at nakipag-apir kay Zharm.
Pagkapasok namin sa kwarto ni Neil, lahat sila napatigil sa pag-uusap. Lumapit ako kay Neil at umupo sa gilid nya.
"What the fudge is that stare Neil? Parang ang lagkit, nakakalanggam"
"You look... stunning"
Napangiwi naman ako. Grabe na ba yung buhok ko at bakit parang lahat sila, gulat na gulat.
"Bakit ba lahat kayo gulat na gulat sa itsura ko?"
"Kasi ikaw yung biglang nabago mukha", sabay-sabay nilang sabi.
"So meaning, nung una pangit ako tapos mas pumangit ako ngayon?"
"Mali, maganda ka nung una tapos mas gumanda ka ngayon", sabi ni Neil at hinalikan ako sa ulo. Pwede kiligin?
"Bola-bola", sabi ko sabay pitik sa noo nya.
"No, I'm not. Just stating a fact!"
"Landi!", sabi nung mga audience.
PAALIS na kami at nauna na sila. Kinausap pa kasi kami nung doktor at sabi nila, may kakausapin daw sila sa school. Ako lang din kasi ata di kasali sa FareDationRals eh. Gagawin ko lang siguro tumambay sa office ng School Government.
Nasa parking na kami at napangiwi si Neil nung makita nya na may dugo sa driver's seat.
"Ako ang magda-drive", sabi ko at kinuha yung susi nya.
"Oo na. Basta magdahan-dahan ka"
"Natural, alam ko naman ang mangyayari kapag hindi ako nagdahan-dahan eh"
Pagkapasok namin, binuksan ko na yung engine.
"Neil?"
"Hmm?"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER