=Aicclie's POV=
Parang kinakabahan ako sa mangyayari. Nakakatense. Nakasakay na kami ni Neil sa kotse at papunta sa ospital. Sya nagda-drive pero habang nagda-drive sya, hawak nya yung kamay ko. Alam nya kung anong nararamdaman ko.
Infairness, ang pogi nya kapag naka-nurse uniform.
"Don't worry. Tutulungan kitang mag-explain"
Lord! Parang-awa mo na! Ibigay nyo po kay Neil ang basbas ng mga kaibigan ko. Nagpark na sya at napisil ko bigla yung kamay ni Neil. Mas naramdaman nya tuloy na kinakabahan ako.
"Don't be. Dapat nga mas kabahan ako dahil ako ang may atraso sa kanila. Pero tatanggapin ko lahat yon. At alam ko namang mas malilinawan sila kapag nakita na nila si Jezz"
Nginitian ko sya ng alanganin. Sana nga, God! Tulungan nyo naman ako. Parang-awa nyo na.
Pumasok kami at ako nakayuko sya, taas-noo. Seriously, lakas naman ng loob nya. Naramdaman ko na huminto sya kaya huminto ako at napatingin sa harap ko.
JUSKO!! ETO NA ANG JUDGEMENT DAY! NANDITO NA SILA SA HARAP NAMIN!
Nagpalipat-lipat yung tingin nila sa kamay namin ni Neil at kay Neil mismo.
"TEKA?! BAKIT KA NANDITO?!", sabay-sabay na sigaw ng kaibigan ko. See? God, asan ang basbas? Parang-awa nyo na!
"Ate! Si Neil na naman ang boyfriend mo?!", sigaw ni Chleo.
"T-teka, kumalma kayo"
"ATE NAMAN EH!", sigaw ni Chleo.
"Wag nyo syang pagalitan. May sasabihin ako. I'll explain everything", sabi ni Neil. Tumingin sya kay Eunice. Doon ko napansin na teary-eyed na sya. Binitawan nya ako at lumapit kay Eunice. Niyakap nya ito at doon ko na nakita na umiiyak si Eunice.
"Sorry Nice. Sana maintindihan mo kung baket ko kailangang gawin to", rinig kong sabi ni Neil.
"Neil, alam mo bang nag-alala din naman ako! Kapatid mo din naman ako eh!"
"Sorry Nice. I'll promise. Sasabihin ko lahat ng katotohanan"
Bumalik sya sa akin at hinawakan na naman yung kamay ko.
"Don't worry. Sasabihin ko lahat"
NANDITO kami sa coffee shop. Ayos na sya simula nung barilan. Nakaupo ako sa tabi ni Neil at ako naman eh nakayuko lang. Gusto kong kausapin na sila Mommy.
"Sumama kayo sa amin", sabi ni Chleo kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan tayo pupunta?", tanong ko.
"Wag kang mag-explain ngayon sa amin Neil. Gusto ko, lahat ng tao makarinig sa lahat ng nangyari", sabi ni Chleo saka sya tumayo. Hinila nya si Eunice pero pumigil si Eunice.
"Iwan nyo muna kami. Gusto kong kausapin ng pribado si Neil"
"Pero Eunice-"
"Please"
Tumayo kami at saka lumabas bigla akong hinawakan ni Hara at Zharm.
"Don't worry, di kami galit sayo or kahit inis. Masaya pa nga kami dahil masaya ka na naman"
=Neils POV=
"Saan ka ba galing? Baket ngayon ka na lang ulit nagpakita?"
Teary eyed si Eunice. Alam kong nasasaktan sya.
"Alam mo bang hindi na tayo binalikan ni Mama at Daddy? May sari-sarili na silang buhay sa America. Iniwan nila tayo"
Gusto kong umiyak. Hindi ko alam na ganon ang nangyari sa kanila.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER