Chapter 22: President

565 10 0
                                    

=Aicclie's POV=

Pumasok ako sa loob ng school. Buti nga pwedeng pumasok kahit nakamotor ka eh. Papakita mo lang yung ID. Maaga pa pala. Peste tong si Chleo. Mag-aalas-otso lang pala. Gagu talaga -_-

"Friend!"

Napapreno ako. May tumawag kasi sa akin. Inalis ko yung helmet ko at inayos ko yung buhok ko kasi mahangin. Nakita ko si Hara at Neil na nasa harap ko.

"Aga nyo ata?"

"Bakit ka nakaganyan? Lagot ka na naman sa kapatid mo!", sabi ni Hara.

"Di magagalit yun"

"HOY ATE!"

Napalingon ako. Si Chleo.

"BAKIT MO GINAMIT YANG MOTORBIKE KO?!"

"Wag mo nga akong sigawan Chley! Eto lang yung mabilis na paraan para makarating agad ako dito"

"Di mo namang ba nagasgasan?"

"Kapal naman ng mukha mo!"

"Aicclie! Tawag ka ni Papa!", rinig ko sa radyo. Si Zecky yun.

"Bakit na naman kaya?", tanong ko.

"May sasabihin ata sayo", sagot ni Hara. Pansin ko, kanina pa hindi umiimik si Neil.

"Neil!"

Napalingon naman sya sa akin.

"Baket?"

"USB?", tanong ko habang nakalahad yung kamay ko sa kanya.

"Nasa laptop ni Chley"

"Aicclie! Lagot ka kay Papa! Nandito na sa radio station! Pumunta ka na daw sa office nya"

I rolled my eyes. Umalis na ako sa motorbike at sinabit doon yung helmet.

"Hoy! Pano to?", tanong ni Chley.

"Paki-park na lang. Mabubulyawan na naman ako ni Tito"

Tumakbo na ako papunta sa office nya at nakaupo na sya sa swivel chair nya.

"Bakit na naman?"

"Wow! Wala man lang greetings"

"Tito, kilala mo ako. Di uso sa akin yon. Bakit nga?"

"Here", sabi nya at may inilapit na folder sa akin.

"Ano yan?"

"Folder"

"Ano nga po?!"

"Pumunta ka sa office ng Student Government"

"Anong meron doon?"

"Malalaman mo kapag napunta ka doon"

Kinuha ko yung folder at binasa yung nasa loob.

"Anong nominated as President of this school?"

"Nominado ka"

"At pano nangyari yon?"

"Walang campaign dahil mismong mga Student Government ang pipili kung sino ang gusto nilang ipalit sa kanila"

"Eh bakit ako nasama dito?"

"Hindi mo na kailangang malaman"

"Ayoko! Back out ako!"

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon