Chapter 17: Acting

681 13 0
                                    

=Aicclie's POV=

Spell 'MALAS'. A-I-C-C-L-I-E. Kasi naman, yung bitch kong Tita, nakarating na and you know, I can't fight her because she's my 'TITA'.

At ngayon, instant yaya at driver kami ni Chley. Pati si Kuya Jezz, Ate Eris, Zera at Yvan.

"Kailangan kong pumunta ngayon sa isang artist dito", utos nya.

"And?"

"Pagdrive nyo ako"

"Male-late na si Ate. May pasok sya okay? Wag masyadong bossy", sabi ni Chley at lumabas na. Sumunod naman ako.

"Bakit ka sumagot?"

"Nakakairita na eh. One week na tayong naghihirap, para bang hawak natin yung kaluluwa nya"

Sumakay na kami sa kotse nya at nilagay nya yung cellphone nya sa phone hub. Mukhang kakausapin si Eunice.

Let me tell you something, nakita na din ni Neil, Eunice, Sheila, Nick at Jell ang true colors ng aking 'MABAIT' na Tita. And si Eunice, alam nyo naman yan.

"Oo na. Pupunta ako dyan mamaya"

Napalingon ako kay Chley nang sinabi nya yun.

"Oo, pagkahatid ko kay Ate tutuloy na ako dyan"

Niliko nya na yung manibela at nagpark na sya.

"Sige, wait ka lang ha. Wag mong palayasin si Neil hangga't wala pa ako. Hayaan mo syang ma-late. Sige na, bye"

"Sino yun?"

"Kilala mo na yun", sabi nya at ngiting-ngiti.

"Wow naman! Ang ngitian ng kapatid ko, hinay-hinay lang ha! Di pa kayo!"

"Oo na! Lumarga ka na. Ma-late ka pa"

Lumabas na ako at nag-inat ako. Masyado kasi akong napagod. Bwiset kasi yung Tita ko eh -_-

"Anyars sa peslak natin Friend?", biglang sulpot ni Zharm. Kasama ang kanyang Kuya na nginitian ako kaya nginitian ko din. See? Wala na syang epekto sa akin. I don't know why.

"Alam mo naman, andyan na si Tita Dinamiel. Napakabait pa naman nung hayup na yun"

"Eh bakit mo kasi hinahayaang ganunin kayo. Asan na yung pagiging troublemaker mo?", panloloko ni Mikhail.

"Khail, alam mo namang hindi ko pwedeng ganunin yun tulad ng Serna na yun. Si Tita Dinamiel, kamag-anak ko talaga. Magagalit sa akin pati si Mommy kapag sinagot ko pa yun"

Naglakad na kami at medyo wala ako sa mood. Inaantok kasi ako eh.

"Hoy, Fire! May kukunin lang kami ni Kuya sa locker ha. Una ka na sa room"

Tumango ako. Feeling ko nakalutang ako.

"Hoy!"

Fvck! Sino ba tong eng-ong na to?

"Hoy! Tumingin ka nga!"

Nilingon ko sya and-Wow! Guess who? Si Marco.

"What the fvck is your problem?"

"Wala naman, sabay na tayo papunta sa room"

"Bakit? Close ba tayo? Lumayo-layo ka nga sa akin at baka masapak kita"

"Ang sungit mo naman!"

"You don't care"

Di ko na sya pinansin at naglakad na ako. Peste! Kapag meron na namang isyu sa akin, mapapatay ko na talaga tong lalaking to.

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon