=Aicclie's POV=
Ginabi ako ng uwi. Katangahan lang dahil hindi ko dinala yung kotse ko. Ayaw ko namang sumakay. Gusto kong maglakad. Gusto kong makapag-isip isip ng mga bagay.
Pero sadyang sa buhay ko, laging may asungot. Hindi na ata mawawala sa buhay natin yun. Alam ko na kanina pa may sumusunod sa akin. Simula pagkalabas ko ng ospital. Di ko lang sya pinapansin.
Ang tanga nya din kasi. Papalapit na ako sa condo unit ko, hindi pa din sya kumikilos para saktan ako. Seriously? Minsan talaga, yung mga masasama po yung tanga. Gagawa na lang ng kasalanan, yung tipong magpapahuli pa. Di marunong dumiskarte.
Nagulat ako nang biglang may parang pumipiglas at ingay sa likod ko. Eh sa pagkakaalam ko, ingay na lang ng mga sasakyan ang maririnig dahil ala-una na ng madaling-araw.
Saktong pagkalingon ko, wala na yung sumusunod sa akin. Natural, alangan namang magpakita sya sa akin di ba? Katangahan to the max yon.
Nagsimula na ulit akong maglakad pero hindi ko na naramdaman yung presensiya ng sumusunod sa akin. Wag nyo akong takutin, di ako takot sa multo. Alam ko na sumusunod lang talaga sya sa akin.
Natakot siguro na masabihan ko syang tanga.
Pumasok ako sa building at umakyat sa unit ko. Sakto namang nakita ko yung isang condo keeper doon na nag-aayos ng katapat na unit ko. Sa pagkakaalam ko, walang nakatira doon.
"Manang Flora, may lilipat po?"
Napalingon naman sya.
"Oo hija. Next week ata o sa susunod na araw sya lilipat"
"Madami po ba sila na titira dyan?"
"Sa pagkakaalam ko hija, isa lang sya"
"Ah sige ho. Thank you po"
Nginitian nya ako saka ako pumasok ng unit ko. Kumain lang ako ng konti pero hindi na ganong kadami. Nalipasan na ako eh.
Pagkatapos non, saka ako naligo at nagpalit ng pantulog. Humiga na ako at malapit nang makatulog pero asungot yung cellphone ko, biglang nag-vibrate. Lagi na lang bang may eepal sa kada-galaw na gagawin ko?
Sinagot ko yon nang hindi tinitignan yung caller
"He—"
'Hi Aicclie. Miss me? Pano ba yan, mukhang malapit ka na namang maging pain. Three years na ang nakakalipas. Gusto mo ulit ng thrill sa buhay mo? Wait for me"
Bigla naman akong napabangon.
"Hello! Hello! Sino to?! Hello! FUCK"
At binabaan nya ako. Sino na naman bang asungot yon. Lagi na lang may asungot. Pero, iba yung kaba ko ngayon. Baket ganon?
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
"SINONG NAG-UTOS SAYO?!"
Di sya sumagot kaya nasuntok ko na naman sya. Napaupo na sya sa damuhan.
"HINDI KA SASAGOT?!"
"Sino pa ba? Syempre sya! Kailangan maubos kayo"
Nasuntok ko na naman sya saka sinipa. Tinapatan ko sya ng upo at kinwelyuhan.
"BAKET BA HINDI NYO NA LANG KAMI TIGILAN HA?!"
"Kasi... pare-parehas kayong asungot sa buhay namin"
Binalibag ko sya at saka sinipa. Nakita kong umubo sya ng dugo. Saka halos mahiga na doon sa damuhan.
Humugot ako ng baril saka tinutok sa kanya.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER