=Aicclie's POV=
(Timeline: August 30 ****)
Birthday na ni Mikhail. Buti natapat ng Sunday yung birthday nya. Mamaya pang 6 ng gabi pupunta doon at ala-una pa lang ng hapon.
Kumakain lang kami nila Chley kasama si Daddy at Mommy. Nakayakap ako kay Daddy at si Chley kay Mommy. Nakaupo kami sa sofa tapos nanonood lang kami ng Avengers. Fafa Chris *0*
"Pogi ni Chris Evans", sabi ni Mommy.
"Mas pogi ako dyan", sabi ni Daddy.
"Di din Dy, wag kang epal ha"
Nanonood lang kami at nakayakap pa din ako kay Daddy.
"Ano regalo mo sa mahal mo?", panloloko sa akin ni Daddy.
"Kanino?"
"Parang ang dami mong mahal ha? Sino ba gusto mo? Si Neil?"
Kumalas ako sa yakap at tinignan sya.
"Naku Dy, di ko ba nakwento sa inyo, inaakit ni Ate si Neil!", sigaw ni Chley.
"Hindi Dy! Kailangan lang yun para sa grades!"
"Pati pang-aakit kasali sa grades?"
"Manahimik ka nga Chleo Matthew!"
"Banas talo!"
I rolled my eyes.
"Hindi kami sasabay na pumunta kila Mikhail ha, mauna na kayo", sabi ni Mommy.
NANDITO kami ni Chley sa kwarto ko, naglalaro ng Chess. Magaling sa chess yang lalaking yan.
"Ano regalo mo kay Mikhail tsaka Zharm?"
"Kay Mikhail, favorite nyang perfume kay Zharm, letter. Ikaw?"
"Jacket, hilig nya sa leather na jacket. Naubos tuloy pera ko"
"Mayaman ka naman Chley, maliit na halaga lang sayo yan"
"Manahimik ka nga Ate, di hamak na mas mayaman ka sa akin"
"Loko ka ba? Ikaw nakakapag-ipon ako hindi"
"Whatevah. Halika na nga, anong oras na. Pinaglaro mo pa ako ng chess!"
"Checkmate!", sigaw ko pagkagalaw ko sa King ko.
"Di pa ako tapos, may mailalaban pa ako. Checkmate, talo ka pa din", ngumisi sya at lumabas na. See? Ang galing ng kapatid ko.
Nagsuot na ako ng doll shoes ko at nagponytail. Mainit po kaya dahil sa garden magkakainan.
Nagpaalam na kami ni Chley at nagdrive sya. Actually malapit lang bahay namin kila Tito Mikhail kesa nga lang tinamaan ng katamaran ang aking kapatid kaya ayun, drive all the way. Okay na yun, atleast medyo refreshing pa xD
Pagkadating namin, maingay na.
"Buti pumayag si Tita Zarina na mag-ingay", sabi ni Chley.
"Magtataka ka pa ba eh alam mo namang may tama din sa utak si Tito Mikhail kaya panigurado, sya din yung nag-ayos nyan"
"Hi friend!!!"
Napalingon kami. Si Eunice, Jemillie, Wenaiah at Zhymmie.
"Ate mo Jemillie?"
"Kasabay ng tangang si Mike", panloloko ni Jemillie.
Pumasok kami sa loob at napangiwi kami pare-parehas. Si Tito Zyrus at Tito Harold, nakasuot sa kanila yung headphone na parang mga DJ. Yung suot pa nila, talagang jacket with cap pa. Ayos din eh -_-
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER