Chapter 62: Back

390 11 0
                                    

"Hindi ko naman kasi alam na anim tayo doon. Di ko din naman aakalain na papatayin nila si Simon"

Tinignan nya ako. Tumigil sya sa pagsusulat.

"Mga demonyo sila. Three years tayong naghirap, sa tingin ba nila eh ayos sa akin ang ginawa nila? Iniwan ko yung taong mahal ko para sa kanila"

Napatigil din ako sa ginagawa kong pagsusulat.

"Tsk. Nang dahil sa kanya nakatakas tayo"

"Pero hindi pa din maaalis sa isipan natin na pinatay nila si Simon"

.

.

"Buti nakatakas tayo, Jezz"

"Babalikan natin sila Neil"

"Babalikan? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba eh mapapatawad pa nila tayo sa pagsisinungaling sa kanila?"

"Kaya nga ang gagawin natin eh tatapusin nating yung demonyong yon di ba? Panigurado pinaghahahanap tayo non"

-*-*-*-*-*-*-*-*-

=Aicclie's POV=

Dahil day-off, nakatunganga lang ako dito sa unit ko. Wala din kasi sila Mommy at Daddy, nasa business trip. Si Chleo naman may pasok. Sa madaling salita, ako lang may day off. Nakakainis kasi si Tito Richard eh, hindi marunong mag-schedule.

Nakaupo lang ako sa couch at nanonood ng kung ano-ano. Palipat-lipat lang kasi ako ng channel. Nakakaumay na ding manood eh.

Nag-vibrate bigla yung phone ko.

"Hello?"

'Punta tayo kay Jezz'

Tinignan ko yung caller. Si Hara.

"Wala ka bang pasok?"

'Meron. Tinamad ako. Tsaka pumayag naman si Tito Richard eh'

"Fine. What time?"

'Andito na ako sa labas ng unit mo'

Napasapo naman ako sa noo ko.

"Why don't you eve call me earlier?"

'I want to surprise you'

"Well, I'm surprised. Pumasok ka na, I know you know my password"

Narinig kong bumukas yung pinto pero pumasok na agad ako sa kwarto ko para maligo tapos nagbihis na ako ng dress.

Bumaba ako at nakita ko si Hara na nakahiga sa couch at prenteng-prenteng nanonood doon.

"Excuse me, aalis po tayo di ba?"

Bigla naman syang tumayo at pinatay yung tv ko.

"Bagal mo kasi. Dapat nga matutulog na ako eh"

"Talaga? Why don't you even do that?"

"Eh di binatukan mo ako. Kilalang-kilala kita babae ka"

I just smirked. Lumabas na kami at ini-lock yung unit ko. Nakababa agad kami at nakarating agad kami doon sa cemetery.

Umalis muna ako para makapag-usap ng masinsinan si Kuya at Hara. Well, three years na si Hara at Zander but, Hara's still confused.

Habang nagda-drive ako, may napansin akong dalawang lalaking naka-jacket tapos nakahalf mask at shades. Seriously? Artista ba yung mga yon kung makapagtago ng mukha?

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon