Chapter 51: Another

404 11 0
                                    

=Aicclie's POV=

First day of school. First day of being a 4th year college. First day ng school na umiiyak. Galing di ba?

Kasama ko ngayon si Zharm at naka-cling sya sa braso while me, listening some music. Nakaearphone ako.

Naglalakad kami papunta sa office ni Tito Darwin nang may makabangga si Zharm.

"Sorry", sabi ni Zharm at tinanggal ko yung isang earphone sa tenga ko. Nakita kong tinaasan nya ng kilay si Zharm. Tinaas ko nang konti yung paa ko kaya napatid sya.

Napaluhod sya kaya tinignan nya ako. Tinaasan ko sya ng kilay kaya hinila na ako ni Zharm. Mamaya kasi tumaas pa ang tensyon sa amin.

Pumasok kami sa office ni Tito Darwin at saka umupo sa katapat nyang upuan.

"What?"

Binigay nya sa akin yung folder. Busy kasi sya sa tinatawagan nya.

"Wait just a second Zen, read that folder. Makakalaban mo"

"Wait, what?"

Sumenyas sya na lumabas na kami. Binuksan ko yung folder at napakunot yung noo ko.

"Teka, di ba yan yung nakabunggo ko tsaka yung pinatid mo?"

Tinignan ko si Zharm at nagkibit-balikat ako. Naglakad ako at narinig ko yung hiyawan ng tao.

Nga pala, ang may pasok lang ngayon eh ako at si Zharm. Yung iba, pare-parehas ng araw ng pasok. Kung kailan wala kaming pasok dalawa. Kahit yung boyfriend ng babaeng tao. Si Nick. Kaya malas na kami lang ang magkasama.

"OMG! Ang ganda talaga ni Jermilie!"

"Oo nga eh!"

I read again the papers in the folder. Jermilie Sandoval-Marquez. Tinignan ko yung picture at nakita ko sya at dwala! Sya nga.

Di ko na sya pinansin at umalis na kami ni Zharm. Pumasok na kami sa Medical Subject at tumahimik ang lahat. Natural, dahil hindi sila sanay sa cold kong aura.

"Bakit ang cold ni Aicclie?", tanong nung isa pero di ko na pinansin. Nagsasawa na ako.

Umupo ako at nagulat kami nang may pumasok. Si Jermilie, kasama nung prof namin.

"Good morning. This is your new classmate. Introduce yourself"

"Hi guys! I'm Jermilie Sandoval-Marquez. I'm 21 years old. I'm from Druke University"

Lahat nagpalakpakan at ako naman ay napacross-arm lang. Umupo sya sa likuran na upuan ni Zharm.

Nagsimula ang discussion at lahat nakatutok sa pakikinig pwera lang ata sa akin. Kanina pa kasi ako nakatitig lang sa table ko. Puro kasi recalling lang yung discussion ngayon. Nakakayamot.

Narinig ko na nagtawanan yung mga kaklase ko at dahil doon nakabalik ako sa realidad.

"Anmeron Zharm?", tanong ko sa kanya. Katabi ko kasi.

"Tinanong kung ano vital statistics nya ang sabi nya maganda, maputi, matangkad"

Napataas ako ng kilay. Umupo ulit ako ng maayos. Balik sa kaninang gawi, tumitig sa table ko.

"Aicclie! Tawag ka ni Prof! Tinatanong vital statistics mo!", pabulong na sabi ni Zharm. Napalingon ako at napatayo.

"Looks like you're in a deep thought Miss Marcus"

"I'm sorry Ma'am. My vital statistics are 34-36-35"

Lahat naman napatingin sa akin at nginitian ko sila. I know, I'm sexy.

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon